Batang nagmistulang online seller at ibinenta ang butas na brief ng kanyang tatay, nagbigay ng good vibes online




Larawan muia sa Facebook account ni Athena Cantos
  • Kinatutuwaan ngayon online ang isang batang babae matapos magsagawa ng ‘live online selling’
  • Marami ang na-good vibes nang ipagbili niya ang butas na brief ng kanyang tatay
  • Sa ngayon ay mayroon nang 2 milyong views ang video na ito na naghahatid ng good vibes online

Sa panahon ng Internet at social media, maging ang pagbebenta ng mga produkto ay ginagawa na rin online. Sa katunayan, mas marami pa ngang mga netizens ang kumikita ng malaking halaga sa pamamagitan ng online selling kompara sa pagtitinda sa normal na tindahan.

At dahil sa popularidad ng online live selling, maging mga bata ay gusto na ring maranasan, hindi ang bumili sa mga online sellers, pero ang makapagbenta ng produkto sa social media. Ito ang sinubukan ng isang batang babae na imbes na makapagbenta ng produkto ay nakapaghatid ng good vibes sa mga netizen.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ni Athena Cantos

Sa video na inupload ni Athena Cantos sa kanyang Facebook account, makikita kung paano niya ginawa ang kanyang live selling ng brief ng kanyang ama. Humanga at natawa ang maraming netizens dahil sa kaalaman ng bata sa pag-la-live Facebook selling kabilang ang pagpapakilala ng produkto at pagkokomento ng “mine, mine, mine” kung gustong bilhin ang item.

Nakadagdag sa good vibes ng maraming netizens ay ang brief na ibinebenta ni Athena ay isang butas-butas na underwear. Pagbibida ni Athena, nag-iisa na lang daw ang item na iyon kaya dapat magpaunahan ang kanyang mga viewers sa ginawang ‘live selling.’

Dagdag pa ng napakabibong si Athena, kung sinuman daw ang makabibili ng butas-butas na brief ng kanyang ama ay pakitahi na lamang daw ito. Bagsak-presyo naman daw ito dahil ang nag-iisang brief na iyon ay ibinebenta na lamang niya sa halagang P100.

Ang isa pang rebelasyon ng trending online seller na si Athena, hindi raw alam ng kanyang tatay na ibinebenta niya ang butas na brief nito. Tapat naman si Athena sa kanyang mga customers dahil ipinakita niya talaga ang sirang bahagi ng brief na ibinebenta.

I-click ang larawan sa ibaba upang mapanood ang video ni Athena Cantos:

Larawan muia sa Facebook account ni Athena Cantos

Instant celebrity naman ang batang online seller dahil sa loob lamang ng dalawang araw, mayroon nang higit 2 milyong views ang nakaka-happy na video niya. Umani na rin ito ng 106,000 na reactions na karamihan ay ‘haha,’ 24,000 comments, at 64,000 likes.

Tuwang-tuwa ang netizens sa bata na sa murang edad pa lamang ay alam na ang konsepto ng live selling online. Naalis din umano ang pagod at  lumbay ng ibang nakapanood kay Athena sa kanyang video. Hindi man naibenta ang brief ay bentang-benta naman ang mga hirit niya sa maraming netizens. Kay bibong bata kasi!