Anak ni Gary V na si Gab Valenciano, direktor na ng game show ni Willie Revillame na ‘Wowowin’




Larawan mula sa GMA Network
  • Maraming paandar ang bagong taon ni Willie Revillame at ng show niyang Wowowin sa Kapuso network
  • Isa na rito ang pagiging opisyal na direktor ng show na si Gab Valenciano
  • Ayon kay Gab, mas magiging youthful ang vibe ng Wowowin ngayong taon

Mananatiling Kapuso ang host at komedyante na si Willie Revillame dahil pumirma siya ng panibagong kontrata sa GMA. Sa bagong taon ni Willie sa Kapuso network, marami din ang pagbabagong magaganap sa kanyang top rating game show na Wowowin.

Una na rito ay ang pagkakaroon ng primetime edition ng show matapos ang halos limang taon sa GMA. Inilahad rin ni Willie na mayroong bagong direktor ang show sa katauhan ni Gabriel o Gab Valenciano na anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ng GMA Network

Sa isang episode ng Wowowin, pinuri ni Willie si Gab bilang direktor ng kanyang show dahil sa maganda at masiglang opening number. Kilala rin kasi si Gab bilang isang mahusay na performer na namana niya sa kanyang ama.

Kasama rin si Gab sa ginawang contract signing ni Willie para sa bagong taon ng Wowowin na ginawa sa GMA Network compound na isang opisyal na tanda rin ng pagiging Kapuso niya. Nakapanayam din siya ng GMA News tungkol sa magiging plano niya para sa show.

Ayon kay Gab, dahil established naman na ang Wowowin bilang isang show na nakapagpapasaya at nakatutulong sa mga manonood, ang naging misyon niya raw sa pagpasok ay lalong ilapit sa mas batang audience ang show dahil marami na ring millennials, lalo na sa hanay ng netizens, na nonood ng show.

Mas ginawa raw nilang moderno ang mga background music na ginagamit, ang anggulo ng camera, maging ang pagbubukas ng input at suggestions mula sa kanilang staff ay pinaumpisahan na rin ni Gab sa kanyang pagpasok sa show, ilang buwan na raw ang nakararaan.

Larawan mula sa GMA Network

Isa raw sa unang paandar nila ngayong taon ay ang pagbabalik ng talent competition na The Will To Win na magiging highlight din ng Wowowin Primetime tuwing Sabado. Sinisiguro ni Gab na mas exciting ang magiging tapatan ng mga talento sa ikalawang season ng kompetisyon.

Suportado naman daw ng ama niyang si Gary ang kanilang pagtatrabaho sa Kapuso network. Hindi naman daw ito isyu kahit pa isang prime talent ng ABS-CBN ang kanyang ama. Sa katunayan, nauna nang magtrabaho sa GMA ang kapatid niyang si Paolo Valenciano bilang isa sa creative consultant ng defunct musical show na Studio 7.

Source :

GMA News, YouTube