Ama gumawa ng handwritten na pagbati sa anak na pumasa sa engineering licensure exam at isinabit sa gate nila




Larawan mula sa Twitter account ni Romerson Nanao
  • Umantig sa maraming netizens ang simpleng pagbati ng isang ama sa kanyang anak
  • Pumasa kasi ito sa exam at may lisensya na bilang engineer ngunit simple lamang ang pagbati niya
  • Isinulat niya ito sa isang karton na hinangaan naman ng maraming netizens dahil larawan daw ito ng tunay na pagmamahal

Sa panahon ngayon, uso ang pagpapagawa ng tarpaulin para sa mga kaanak at mga kakilala nating nagkamit ng karangalan. Dagsa ang mga printed at naglalakihang pagbati para sa mga bagong graduate o ‘di kaya naman ay pumasa sa licensure exam na kinuha nila.

Ngunit sa lahat ng pagbating isinabit sa tahanan at nakita ng madla, isang karatula ang talaga namang hinangaan ng mga netizen. Viral ang tweet ni Romerson Nanao na nagpapakita ng simpleng pagbati ng isinulat ng kanyang ama.

Larawan mula sa Twitter account ni Romerson Nanao

Sulat kamay lamang ang pagbating iyon ng ama ni Romerson para sa kanya dahil sa pagpasa niya sa engineering licensure exam. Nakasulat nga lang ito sa isang ginupit na karton at isinabit sa kanilang gate. Simpleng ‘congrats son’ lamang ang nakasaad sa karatula ngunit damang-dama ni Romerson at ng mga netizens ang sinseridad at pagmamahal ng ama sa kanyang anak na inhinyero na.

“However big, however small. You are part of it all. Thanks, Dad. A lot,” sabi ni Romerson sa kanyang tweet noong 2018 pa. Gayunman, hanggang sa kasalukuyan ay ibinabahagi ito ng maraming netizens dahil sa nakaantig na kuwento. Mayroon na itong 10,800 retweets at 75,000 likes sa kasalukuyan.

Maraming netizens naman ang nagpaabot ng paghanga sa ama ni Romerson. Ito raw ang patunay na hindi na kailangan ng magagarbong pagbati para sa karangalang ibinibigay ng anak. Tunay na pagmamahal lamang daw ay sapat na upang maiparamdam ang pagka-proud sa kanilang natamong karangalan.

“That’s a statement! No need for big tarp! Whoever did that showed so much l0ve,” pahayag ng isang Twitter user na sinagot naman ni Romerson na ganito ang pagmamahal na wagas ng isang ama.

Larawan mula sa Twitter account ni Romerson Nanao

Napa-sana all naman ang iba dahil sa sweet na ginawang ito ng ama ni Romerson. Na-miss ng ibang netizens ang kani-kanilang mga magulang na nasa malayong lugar habang ang iba naman ay nangulila sa mga magulang na yuma0 na.

Inulan din ng pagbati ang bagong inhinyero na si Romerson mula sa mga Twitter users. Proud namang sinabi ni Romerson na malaking bahagi ng kanyang tagumpay ay ang kanyang magulang na walang sawa ang pagsuporta sa kanya. Ngayon ay isa nang project engineer si Romerson ng isang kompanya.