YouTube channel nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na CoLove, magiging concert sa Valentine’s Day




Larawan mula sa Instagram account ni Dennis Trillo at Jennylyn Mercado
  • Patok sa mga netizens ang song covers ng Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo
  • Umaabot na sa milyon-milyong views ang kanilang performances sa YouTube
  • Dahil dito, mapapanood na sa isang concert na ang duets nina Jennylyn at Dennis sa darating na February 15

Dalawa sa pinaka-talented na prime artists ng Kapuso network ang couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Maliban kasi sa kanilang husay sa pag-arte na kinilala na ng iba’t ibang award-giving bodies, mahuhusay din silang performers at mayroong kanya-kanyang iniwang marka sa mundo ng musika.

Upang mas maraming netizens pa ang mapasaya nila sa kanilang husay sa pagkanta at pagtugtog ng instrumento, inilunsad ng dalawa ang kanilang YouTube channel kung saan hindi ordinaryong vlogs ang ginagawa nila kung hindi mga song covers.

Larawan mula sa Instagram account ni Dennis Trillo

Personal na vlog lamang sana ito ng Ultimate Star na si Jennylyn, pero dahil pumatok ang una nilang cover ni Dennis sa Maybe I’m Amazed ni Paul McCartney, naging ito na ang pangunahing tema ng kanyang vlog na tinawag nilang CoL0ve.

Nagsunod-sunod na ang kanilang song covers kung saan ipinamamalas din ni Kapuso Drama King Dennis Trillo ang kanyang galing sa pagtugtog ng drums kasama ang iba pa nilang kaibigan na miyembro ng kanilang banda na mas nagpapaganda ng kanilang covers.

Ilan sa kanilang covers na umabot na sa milyon ang views ay ang Finally Found Someone ni Barbara Streisand, Can’t We Try nina Dan Hill at Vonda Shepard, Almost Paradise ni Mike Reno, at ang After All nina Peter Cetera at Cher na may pinakamaraming views na aabot na sa halos 3.5 million.

Sa kasalukuyan, mayroon nang higit 359,000 subscribers ang vlog nina Dennis at Jennylyn na anim na buwan pa lamang mula noong ilunsad. Mayroon na rin silang guests sa kanilang covers katulad ni Janno Gibbs kung saan inawit nila ang classic version nila ng If I’m Not In Love with You.

Larawan mula sa YouTube channel ni Jennylyn Mercado

At dahil mabenta at maraming kinikilig sa kanilang covers, ang Co-L0ve nina Jennylyn at Dennis ay mapapanood na rin nang live sa entablado. Gagawin nila ang Co-L0ve the concert sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City sa February 15, 2020.

Nag-post na ang dalawa ng ilang kuha mula sa kanilang pictorial para sa nasabing major Valentine concert. Inaasahang mas maraming classic l0ve songs ang aawitin ng dalawa na mae-enjoy naman ng kanilang fans

Tara na at sumilip sa kanilang cover song:

Source :

YouTube, GMA News