Team Kramer ipinasilip ang bakuran sa bagong tahanan




Imahe mula sa Instagram account ni Doug Kramer
  • Ikinaaliw ng netizens ang “growcery” ng Team Kramer sa kanilang bagong tahanan
  • Ito ay isang bakurang punumpuno ng mga pananim na herbs at gulay
  • Ang Team Kramer ay isang “ideal family” na pinamumunuan ng mag–asawang Chesca at Doug Kramer

Kung may “family goals” man na matatawag, isa ang pamilya Kramer o mas kilala sa tawag na “Team Kramer” sa nakatala sa listahan ng mga pamilyang tinitingala, minamahal, at nagdudulot ng saya at inspirasyon para sa iba.

Pinamamahalahan ito ng mag–asawang Doug Kramer at Chesca Garcia–Kramer na sinasabing “relationship goals” pagdating sa pagiging mag–asawa. Ang mas nagbibigay–kulay sa kanilang pamilya ay ang kanilang tatlong chikiting na sina Kendra, Scarlett, at Gavin.

Imahe mula sa Instagram account ni Doug Kramer

Halos updated ang kanilang mga tagahanga sa mga nangyayari sa kanila dahil mistulang open book ang mga ganap sa kanila sa social media. Lumipat na sila sa isang napakalaking bahay, at kasama nilang ipinasilip ang kanilang “growcery” o bakuran kung saan sila nagtatanim ng mga halaman at gulay.

Makikita ito sa Instagram post ni Doug Kramer noong Nobyembre 22, 2019.

“Don’t panic, it’s organic! We’ve been growing some herbs, fruits and vegetables in our small “growcery!” Curious if you can tell by the pictures exactly what they are! Start naming what you see!”

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Doug ang mga herbs at mga gulay na kanilang itinanim sa bakuran. Nariyan ang abokado, okra, papaya, calamansi, spinach, sili, kangkong, kamatis, pechay, lemon, bawang, luya, munggo, lettuce, at marami pang iba.

Umani naman ito ng paghanga mula sa netizens.

“Buo na naman ang araw ko. Naaaliw ako sa IG’s  ninyo lagi. Keep inspiring everyone.”

“Wow… Team Kramer never fails to amuse me every time I see their social media posts. Sana kapag nagkapamilya na ako, ganiyan din ang mapapangasawa ko, parang si Doug. Ramdam ang presence niya bilang asawa.”

Imahe mula sa Instagram account ni Doug Kramer

“Ang sarap namang tumira sa bahay na iyan. Ganiyan dapat. Dapat itampok ang urban planting lalo na sa Maynila para makatulong sa environment.

Maski ang ilang mga kaibigang celebrity ay nagkomento rin gaya nina motivational speaker Chinkee Tan at tv host Drew Arellano.

“Doug, bought that lot na nga pala… Which means profit sharing na tayo diyan sa organic garden ninyo ni Chesca,” komento ni Arellano.

Nakatutuwa hindi ba?