Sa pagsalubong ng mga Pilipino sa Bagong Taon: Ang espesyal na mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte




Public Domain Image
  • Nagbigay ng mensahe ang Pangulong Duterte para sa mga Pilipino sa Bagong Taon
  • “To do better and aim higher” ang panawagan ng pangulo sa sambayanan ngayong 2020
  • Naniniwala rin siyang magpapatuloy ang malakas at magandang pamumuhay ng mga Pilipino

May espesyal na mensahe si Pangulong Rodrigo Duterte para sa sambayanang Pilipino para sa taong 2020, na opisyal na inilabas mula sa Palasyo ng Malacanang sa bisperas ng pagdiriwang ng Bagong Taon, Disyembre 31, 2019.

Hinikayat ng pangulo ang mga Pilipino na maging mas mahusay at maghangad ng mas mataas ngayong 2020 upang makapag–ambag sa pagpapabuti ng bansa. Punumpuno rin daw siya ng pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa mga biyayang natatamo niya, at sa iba pang mga posibilidad na paparating.

Public Domain Image

“I join the entire Filipino nation ang the global community in welcoming the New Year 2020. We celebrate this occasion with our loved ones, filled with gratitude for blessings received in the past and with much optimism for the wonderful possibilities ahead,” ayon sa unang talata ng opisyal na mensahe ng pangulo.

Sa ikalawang talata naman, nakasaad ang kaniyang pag–asang mapanatili ang mga patakaran at programa ng kaniyang administrasyon para sa ikauunlad ng pamumuhay ng mga mamamayan, kaya hinihikayat niya ang aktibong pakikiisa ng lahat.

“As this administration enters its fourth year, I am hopeful that all our policies and programs for the improved welfare of our citizens and the continued progress of the Philippines will be realized with the active participation of everyone. Let us begin anew with a stronger commitment in our shared task of nation-building and ensure that all our development efforts will be made sustainable and inclusive,” ayon sa pahayag.

Sa panghuling talata,  “While the New Year is indeed a time to reflect on lessons learned, it is also an opportune time to do better and aim higher. With the guidance and grace of the Almighty and the enduring spirit of bayanihan and malasakit, I am confident that we will achieve a stronger and brighter future for our people.”

Public Domain Image

Para sa lahat ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo, Manigo at Masaganang Bagong Taon sa lahat!

Source :

Inquirer