Price watch: Presyo ng sili, umaabot na sa P500-P700 kada kilo sa merkado




Imahe mula sa Pixabay
  • Nasa P500-P700 kada kilo ang presyo ngayon ng sili sa mga pamilihan
  • Batay sa mga nagtitinda nito sa palengke, nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng sili dulot ng sunod-sunod na bagyo
  • Kinumpirma rin ni agriculture secretary William Dar na ang mababang supply ng sili ngayong Disyembre ang maaaring dahilan ng pataas ng presyo nito sa merkado

Napapaaray na naman ang mga mamimili dahil sa pagtaas ng presyo ng sili sa mga pamilihan.

Imahe mula sa Pixabay

Sa ulat ng programa ng GMA News na Balitanghali noong December 19, kinumpirma ng mga nagtitinda ang kasalukuyang P500-P700 kada kilo na presyo ng sili sa merkado. Ramdam tuloy ng mga mamimili na mas mahal pa ang sili kumpara sa halaga ng isda at karne.

Batay sa mga nagtitinda ng sili sa palengke, naging dahilan ng pagtaas ng presyo nito ang pagdalaw ng sunod-sunod na bagyo sa bansa. Ito umano ang nagdulot ng supply ng sili na mas mababa pa sa demand na hinihingi ng mga consumer.

“Pumapatak nga po ito ng dos isa eh,” ayon sa nagtitindang si Jeka Reyes na nakapanayam ng GMA News reporter. “Kapag maliliit ginagawa naming piso,” dagdag nito.

“Ang per kilo niyan P700 pero kaunti lang ang kinukuha namin kasi kaunti lang ang nakukuha,” ayon naman kay Helen Alonzo.

Nang tanungin naman ang isa pang nagtitinda sa palengke na si Ben Divisoria, sinabi nito na P500 ang kuha niya kada kilo ng sili sa Divisoria.

“Eh wala pong bunga yung mga labuyo ngayon, na-bagyo po,” pahayag nito.

Imahe mula sa Pixabay

Nagbigay rin ng pahayag tungkol sa pagtaas ng presyo ng sili ang ang Department of Agriculture (DA).

“Market forces at hand. It’s again a function of law of supply and demand,” ani agriculture secretary William Dar. Dagdag pa niya, “Kung hindi sila nagtanim early, male-late iyon. Baka maghaharvest pa [sa] January.”

Source :

Yutub