Patricia Javier, itinanghal na Noble Queen of the Universe 2019




Imahe mula sa Noble Queen of the Universe | Facebook
  • Kinoronahan bilang kauna-unahang Noble Queen of the Universe ang aktres na si Patricia Javier
  • Ginanap ang grand coronation sa Centennial Hall ng Manila Hotel noong December 1
  • Naiuwi ni Javier ang titulo matapos talunin ang nasa 20 candidates mula sa iba’t ibang panig ng mundo

Hinirang bilang kauna-unahang Noble Queen of the Universe ang aktres na ngayon ay isang na ring beauty queen na si Patricia Javier.

Imahe mula sa Noble Queen of the Universe | Facebook

Ginanap ang grand coronation ng Noble Queen of the Universe 2019 sa Centennial Hall ng Manila Hotel nitong December 1 na tumagal ng halos anim na oras.

Umani rin ng special awards si Javier mula sa patimpalak, ayon sa Pep Ph.

Nasa 20 kandidata mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo ang kaniyang nakaharap sa tagisan ng galing sa pagrampa at pagsagot sa mga katanungan. Hindi maitatanggi ang suporta ng audience para kay Javier kaya naman siya rin ang naging crowd favorite sa beauty pageant.

Sa post ng Noble Queen of the Universe sa Facebook noong December 2, inanunsiyo nito ang iba pang mga pangalan ng nagwagi sa kompetisyon.

Itinanghal na Noble Queen International si Marie France Imelda Papin Carrion na nagmula sa Bicol, Philippines. Si Beau Singson Villanueva ng Australia naman ang Noble Queen Globe. Noble Queen Tourism si Anna Rabtsun Baylosis mula sa Russia at Noble Queen Earth si Jill Chapman mula  sa West Coast USA.

Imahe mula sa Noble Queen of the Universe | Facebook

Inanunsiyo naman na first runner-up sa kompetisyon si Ritchell Catt mula sa Guam, samantalang second runner-up si Sylvia Kim ng Korea.

Bumuhos ang pagbati sa aktres at sa lahat ng nagwagi.