Pambato ng Pilipinas na si Carlos Yulo, nasungkit ang gintong medalya para sa artistic gymnastics




Public Domain Image
  • Gintong medalya ang alay ng atletang si Carlos Yulo para sa mga Pilipino
  • Nanalo siya sa Individual All-Around edition ng Men’s Artistic Gymnastics
  • Tuwang–tuwa naman ang mga Pilipino sa kaniyang pagkapanalo

Nasungkit ng atletang si Carlos “Caloy” Yulo ang gintong medalya sa Individual All-Around edition ng Men’s Artistic Gymnastics kaugnay ng 30th Southeast Asian Games o SEA Games na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum noong Linggo, Disymebre 1, 2019.

Suwerteng buena mano sa unang araw ng Disyembre ang hatid ni Yulo sa ating mga kababayan na nagsilbing maagang pamasko para sa mga Pilipino.

Imahe mula sa Virtual Pinoy

Si Yulo ay isang 19-year-old gymnast na nakapasok sa biennial meet matapos ang kaniyang gilded run sa World Artistic Championships na ginanap sa Stuttgard, Germany, noong nakaraang Oktubre 2019. Siya ang kauna–unahang lalaking Pilipino at Asyano sa naturang kompetisyon noong 2018, at gayundin sa kasalukuyang SEA Games. Dahil dito, pasok na siya sa Tokyo Olympics sa taong 2020.

Ayon sa panayam ng mga reporter kay Yulo, kakaiba ang kaniyang karanasan ngayon dahil halos lahat ng mga kababayang nanood ay nakatutok at nakasuporta sa kaniya, habang sa Germany naman ay wala halos nakakikilala sa kaniya.

“This is different because this crowd is paying attention to me, unlike in Germany, nobody knows me,” ani Yulo.

Nakapuntos si Yulo ng 84.900, habang ang kaniyang mga katunggali na sina Dinh Phuong Thanh ay nakakuha ng 82.360 puntos, sapat upang masungkit ang silver medal, at si Le Thanh Tung na may puntos na 81.700 ang nag–uwi ng bronze medal.

Tuwang–tuwa naman ang Pinoy netizens sa ipinamalas na husay ni Yulo.

Public Domain Image

“Wowowow Hallelujah! Another great achievement not only for Philippines’ honor but most of all for God’s Glory. Salamat sa buhay mo Caloy, kapag nakita kita in person yayakapin kita nangg napakahigpit hahahaha.”

“Very very good performance. Congratulations sa iyo, Caloy. You are part of Great Filipinos.”

“Sadyang mahuhusay ang mga Pilipino. Kahit na medyo may kontrobersiya sa pag–oorganisa ng SEA Games, bumabawi naman tayo sa mga atleta natin. Kailangan natin silang suportahan. Kudos!”

Congratulations, Carlos Yulo! Isa kang inspirasyon sa lahat!