Nur Misuari itinalaga ni Pangulong Duterte bilang chairman ng Special Economic Envoy para sa Islamic Affairs




Public Domain Image
  • Si MNLF founding chairman Nur Misuari ang itinalagang Special Economic Envoy para sa Islamic Affairs to the Organization of Islamic Cooperation ni Pangulong Duterte
  • Tungkulin niyang mapanatili ang katahimikan at kapayapaan sa Mindanao
  • Inulan naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa netizens

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari bilang Special Economic Envoy para sa Islamic Affairs to the Organization of Islamic Cooperation o OIC nitong Disyembre 14, 2019.

Public Domain Image

Sa isang pulong umano sa pagitan ng pangulo, Misuari, at iba pang mga opisyal ng MNLF, personal na itinalaga ni Pangulong Duterte si Misuari upang maging special envoy; isang mahalagang tungkulin upang mapanatili ang kaayusan sa Mindanao.

Magiging tungkulin ni Misuari na mapabilis ang paglikha ng Bangsamoro Development Assistance Fund o BDAF, isa sa mga commitments na nasa ilalim ng Tripartite Review Process o TRP na pinagkasunduan ng pamahalaan, MNLF, at OIC. Ninanais din ng pangulo na mapanatili ang katiwasayan at kapayapaan sa Mindanao.

Ayon kay Pangulong Duterte, kayang–kaya ni Misuari na makuha ang paggalang at pagtitiwala ng mga Muslim kaya siya ang kaniyang inatasan para dito.

“Most of the leaders of the OIC are friends of Nur. I do not think that there is another Moro personality that could command the respect and trust of the OIC but only you. You are the only one who can bring the case to the OIC and get the results,” ani Duterte.

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang komento at reaksyon mula sa mga netizens. Ang sabi ng isang netizen, “We should always give peace a chance whatever the cost maybe. Trust the wisdom of the President, the Almighty will guide him!”

“I am Pro–Duterte pero against ako dito… hindi namin makakalimutan ang nangyari dito sa Zamboanga…”

“Chairman Nur Misuari has all the makings for the post. His brilliance and resilience made him a solid choice for PRRD.”

“Wala na bang iba? Daming mas marunong na kapatid nating Muslim diyan sa Mindanao… oh well… political move, I guess.”

Inaasahang dadalo si Misuari sa taunang pulong ng Parliamentary Union of OIC Member States sa Burkina Faso na matatagpuan sa Western Africa sa darating na Enero 2020.