Mayor Vico Sotto, pinuri ang isang estudyante na ayaw ng class suspension




Larawan mula sa Twitter account ni Mayor Vico Sotto at PIA
  • Trending ngayon ang isang tweet ni Mayor Vico Sotto sa isang estudyante
  • Kinatuwaan niya kasi ito dahil ayaw nito ng class suspension at miss na raw niyang pumasok
  • Ayon sa Mayor, ganito dapat ang attitude ng mga mag-aaral at hindi naghahanap ng suspension kahit wala namang ulan

Nitong nagdaang linggo, naghanda ang maraming Pilipino sa pagdaan ng malakas na bagyong si Tisoy. Naging dahilan din ito upang ilang araw na kanselahin ng mga alkalde ang klase sa mga nasasakupan nilang lungsod at mga lalawigan.

Kabilang sa mga nag-abang ng class suspension ay ang mga mag-aaral mula sa Pasig City. Dahil aktibo sa Twitter ang kanilang mayor na si Vico Sotto, madalas ay dito na rin nalalaman ng mga magulang at estudyante kung may pasok nga ba o wala sa kanilang lungsod.

Larawan mula sa Twitter account ni Mayor Vico Sotto

Hindi naman sila nabigo ng dalawang araw dahil nag-suspend naman ang Pasig sa loob ng tatlong araw. Pero hinangaan ng batang mayor ang isang estudyante sa kanilang lungsod na nag-tweet sa alkalde na ayaw na raw nito ng class suspension dahil miss na niya ang mag-aral.

Ayon sa Twitter user na si @mcelvinconge, gusto na raw niyang pumasok dahil gusto na niyang mag-aral at suyuin ang kanyang crush na mayroon pang tampo sa kanya.

“Sana po walang suspension miss ko na mag-aral eh. Mwehehehe. Tas yung crush ko, galit pa sa akin kailangan kong suyuin,” tweet ni Mcelvinconge.

Tila natuwa naman ang mayor sa kanya at sinabing ganoon ang gusto niyang attitude. Bilib daw si Mayor Vico sa estudyante dahil gusto nitong pumasok at handa itong matuto.  Dagdag pa ng mayor, dapat daw ay hindi na humingi ng suspension ang mga mag-aaral lalo na kung hindi naman umuulan.

Larawan mula sa Instagram account ni Vico Sotto

“Ganito dapat ang attitude ng mga mag-aaral! Gustong pumasok! Handang mag-aral! Di yung humihingi ng suspension kahit di naman umuulan. At dahil dyan, good luck kay crush,” tweet ni Mayor sa estudyanteng nagpabilib sa kanya.

Umabot na sa halos 1,200 retweets at 24,000 likes ang tweet na ito ng mayor. Maliban sa anak ni Bossing Vic Sotto, marami din ang humanga sa estudyante. Ayon sa kanila, mas mabuti na raw magkaroon na ng pasok kaysa naman mag-make-up classes  kapag Sabado.