Liza Soberano ipinasilip ang kanyang bagong bahay sa Amerika; nagpasalamat sa mga nagtitiwala sa kanya




Larawan mula sa Instagram account ni Liza Soberano
  • Ipinasilip ng aktres na si Liza Soberano ang kanyang bagong bahay sa Amerika
  • Dito rin nagdiwang Pasko ang kanyang buong pamilya kasama ang nobyong si Enrique Gil
  • Nagpasalamat din si Liza sa lahat ng taong tumulong sa kanya upang maging posible ang lahat ng mayroon siya

Hindi maikakaila na si Liza Soberano ang isa sa mga pinakasikat na celebrity sa dekadang ito. Mula sa ilang supporting roles, nakuha ni Liza ang kiliti ng masa sa kanyang mga ginampanang roles sa telebisyon at pelikula na talaga namang tumatak sa mga manonood. Marami rin ang manghang-mangha sa ganda ng Kapamilya actress.

At bilang bunga ng kanyang pagsusumikap, mayroong bagong ari-arian na naipundar si Liza. Ipinasilip ng ‘Make It With You’ star ang kanyang bagong bahay sa USA. Dito sila nagdiwang ng Pasko ng kanyang pamilya, kasama ang boyfriend at leading man na si Enrique Gil.

Larawan mula sa Instagram account ni Liza Soberano

Sa kanyang Instagram post, ipinasilip ni Liza ang bagong bahay sa Amerika. Kasama ng mga larawan ay ang pasasalamat din niya sa lahat ng tumulong sa kanya upang marating ang tagumpay na tinatamasa at mabili ang mga pag-aari na dati ay pinapangarap lamang niya.

“First Christmas in our new home. Finally have a place to call my own back in the USA. Couldn’t have done it without ABS-CBN and all the brands that have given me their complete trust,” bungad ni Liza sa kanyang viral post na mayroon nang higit 400,000 likes.

“To all of my LizQuen and Liza supporters out there. Thank you for the unconditional love. Last but not least, thank you papa God. You have provided a home for me and the people most dearest to my heart. I will forever give you thanks and praise,” pagpapatuloy ng 21-anyos na aktres.

Masaya naman ang fans at mga kaibigan ni Liza sa kanyang bagong achievement. Sukli daw ito sa lahat ng pagtatrabaho ng aktres na hindi nawawalan ng pagkakaabalahan mula sa paggawa ng mga TV series, pelikula, endorsements, at mga out of town at out of the country shows.

Larawan mula sa Instagram account ni Liza Soberano

Isa sa mga nagpaabot ng pagbati ay ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Sabi ni Kris, ang mga ganitong post ni Liza ay nagsisilbing inspirasyon sa kanyang mga fans at milyon-milyong followers sa social media upang magsumikap at maabot ang mithiin sa buhay.

“The gratitude and LOVE in this post gives all of us- “HOPE!” May God continue to bless you so you may continue to bless your loved ones and inspire millions of your followers,” pahayag ni Kris.