Joshua Garcia, ibinahagi ang dahilan sa likod ng kaniyang pagpapapayat




Imahe mula kay @garciajoshuae | Instagram
  • Kapansin-pansin ang mas payat na pangangatawan ngayon ni Joshua Garcia
  • Aminado naman ang aktor na ginusto nitong magbawas ng timbang
  • Mas pinili niya talagang mag-exercise para mapabuti ang kaniyang pansariling kalusugan

Marami ang naintriga sa mas payat na pangangatawan ngayon ng aktor na si Joshua Garcia.

Imahe mula kay @garciajoshuae | Instagram

Sa kaniyang panayam sa Push, sinagot ng aktor ang ilang mga katanungan tungkol sa pagbabago ng kaniyang timbang at pisikal na pangangatawan.

“Nagpapayat kasi siyempre kumbaga nagkaka-edad edad na rin,” ani Joshua. “Siyempre kailangan na rin na mag-excercise excercise. Hindi na pwede ‘yung puro laro-laro lang. So ayun nag-excercise lang ako.”

Tinanong din ang aktor kung ano o sino ang nagkumbinsi sa aktor para magpursige na magkaroon ng physically fit body. “Para sa sarili lang muna sa ngayon,” sagot nito.

Hindi naman ito nagbigay ng detalye kung may kinalaman ang kaniyang pagpapapayat sa kaniyang susunod na proyekto.

Nagbigay din ng update ang aktor tungkol sa kaniyang upcoming movie na pinamagatang “Block Z” kung saan kasama niya ang dating nobya na si Julia Barretto.

Imahe mula kay @garciajoshuae | Instagram

“Sobrang excited ako kasi Baby ni Tita Malou ‘yung Block Z eh. Tapos sobrang pinaghirapan din ni Direk Mik ‘yun. Kaya sobrang excited ako na lumabas ‘yun, “ sabi ng 22 anyos na aktor na minsan ding binansagan na posibleng ‘the next John Lloyd’ matapos nitong gumanap sa ilang proyekto na humamon sa kanyang kakayahan bilang aktor.

Masaya din si Joshua na buo pa rin ang suporta ng fans sa kaniya at kay Julia matapos ang sunod-sunod na mga isyu na kanilang pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan.

“Grateful kami siyempre dahil pagkatapos ng lahat ng lumabas na issues eh nandiyan pa rin sila na nakakapit sa ‘min,” sabi nito sa panayam.

Source :

Push, ABS-CBN