Jinkee Pacquiao, naghahanda na para sa launching ng kaniyang cosmetics line




Imahe mula kay @jinkeepacquiao | Instagram
  • Pinaghahandaan na ni Jinkee Pacquiao ang nalalapit na launching ng kaniyang bagong cosmetics line
  • Ibinahagi nito ang balita sa pamamagitan ng sunod-sunod na mga post at stories sa social media
  • Sa Instagram, ipinasilip din ni Jinkee ang mga naging kaganapan sa kaniyang photoshoot para sa kaniyang beauty business

Todo na ang paghahanda ni Jinkee Pacquiao para sa nalalapit na launching ng kaniyang bagong business na may kinalaman sa makeup at pagpapaganda.

Imahe mula kay @jinkeepacquiao | Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ni Jinkee ang 1-minute teaser video para sa kaniyang sariling cosmetics line na binansagang ‘make up with a punch.’

Sa video, mararamdaman ang pagsuporta ng kaniyang asawa na si People’s Champ at Senator Manny Pacquiao sa kaniyang bagong pakikipagsapalaran. Makikita na sinamahan siya nitong bumista sa isang manufacturing facility na matatagpuan pa sa Seoul, South Korea.

“I want Filipinos to have the very best from world experts. We traveled the distance to see it through firsthand,” ani Jinkee na ngayon ay 40-anyos na at larawan ng kagandahan.

Maliban sa maiksing video, ibinahagi rin ni Jinkee ang ilang mga larawan mula sa naganap nitong photoshoot para sa kaniyang cosmetics line. Ni-repost nito sa kaniyang IG stories ang mga larawang na may #jinkeecosmetics mula mismo sa kaniyang mga kaibigan.

Lumalabas din na bunga ang makeup collection ni Jinkee mula sa collaboration nito sa local skin care brand na Skin Solutions.

I-click ang imahe para makita ang buong post

Isa lamang si Jinkee sa listahan ng mga artista na pinasok ang negosyo na may kinalaman sa pagpapaganda.

Marami ngayon ang nasasabik na malaman kung ano ang maaaring i-offer ng kaniyang cosmetics line para sa mga Pinay na nais makaranas ng gandang Jinkee Pacquiao. Kaabang-abang!

Imahe mula kay @jinkeepacquiao | Instagram