Hungry Syrian Wanderer Basel Manadil, itinampok ang mga pamaskong pagkaing Pinoy




Imahe mula sa Facebook page ni Basel Manadil na The Hungry Syrian Wanderer
  • Itinampok ni “Hungry Syrian Wanderer” na si Basel Manadil ang puto bumbong, bibingka, at tikoy na may gatas
  • Iba raw ang Pasko sa Pilipinas dahi tunay itong masaya, lalo na kapag nakikita na ang masasarap na pagkain
  • Kinagiliwan ng mga Pilipinong netizens si Basel lalo na ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa at nangungulila sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas

Bukod sa mga parol, Christmas tree, Christmas lights, Christmas songs, at iba pang mga palamuti, isa rin sa mga senyales ng pagdiriwang ng Kapaskuhan ang iba’t ibang mga pamaskong pagkaing Pinoy na patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino, at maging ng mga turistang dayuhan.

Karaniwan itong mabibili at makikita sa mga lansangan pagsapit ng gabi; malapit sa simbahan. Kabilang na riyan ang puto bumbong, bibingka, at tikoy na may gatas.

Imahe mula sa Facebook page ni Basel Manadil na The Hungry Syrian Wanderer

Kaya naman, bagama’t wala sa kaniyang relihiyon at pinagmulang bansa ang pagdiriwang ng Pasko, itinampok ng tinaguriang “Hungry Syrian Wanderer” na si Basel Manadil ang mga pagkaing ito, partikular ang puto bumbong at tikoy na may gatas. Si Basel ay kilalang vlogger at pilantropo na may “pus0ng Pinoy”.

Ayon sa kaniyang Facebook post, iba raw talaga ang Pasko sa Pilipinas. Mas masaya. Lalo na pagdating sa mga pagkain. Bukod sa puto bumbong, ikinatuwa rin niya ang pagkakatuklas sa tikoy na may gatas. Matatandaang ang tikoy ay nagmula sa mga Tsino.

“Ganito kasaya ang Pasko sa Pinas. Hindi mawawala ang puto bumbong at may bago akong nakita, tikoy with gatas! SARAPPPP!! Iba talaga ang Pasko sa Pinas.”

Natuwa naman dito ang mga netizens na sumusubaybay sa kaniya.

“Your really got a Filipino soul and spirit Basel. Proud of you. Mabuhay ka. Keep up the good work. God Bless you all the time.”

“You really like our food ha?  I’m just happy that this guy can appreciate our simple life in the Philippines and feel proud that even he’s not a Filipino but surely like to be one. Thanks The Hungry Syrian Wanderer for appreciating our traditional culture. Enjoy your Christmas.”

Imahe mula sa Facebook page ni Basel Manadil na The Hungry Syrian Wanderer

“Nagutom ako bigla. I missed Philippines already. Thank you so much Mr. Basel for having a Filipino heart.”

Kung si Basel nga na isang dayuhan, ipinagmamalaki ang ating mga pagkain, ikaw pa kaya na isang Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa?

Source :

Facebook