First love ang isa’t isa: Priscilla Almeda at Jomari Yllana, itinuloy na ang naudlot noong relasyon




Mga imahe mula sa Facebook page nina Priscilla Almeda at Councilor Jomari Yllana
  • Gaano katotoo ang kasabihan na “first love never dies?”
  • Ganito kasi ang kuwento ng pag-iibigan nina Jomari Yllana at Priscilla Almeda na ngayon ay umamin na sa kanilang relasyon
  • May mga umiintriga man sa kanila, naninindigan silang pareho silang single bago sila nagkasamang muli

First love. Ito ang naging paglalarawan ng balik-showbiz na si Abby Viduya, na kilala rin bilang Priscilla Almeda, sa kaniyang ugnayan sa actor-politician na si Jomari Yllana.

Imahe mula sa Pixabay

Umamin si Viduya sa isang panayam ng Pep, na kahit noong nasa Canada pa ito ay nagkakausap na sila ni Yllana. At ngayong for good na ang pananatili ng aktres sa Pilipinas ay pinili na nilang dalawa na maging masaya at ipagpatuloy ang naudlot nilang pag-iibigan noong dekada nobenta.

Nagkasabayan sa showbiz sina Viduya at Yllana, kapuwa 43 taong gulang na, kung saan si Yllana ay sumikat sa grupong “Gwapings” habang si Viduya ay kilala noon bilang “Babaeng Gwaping.” Sa mga panahong iyon ay nagkaroon umano sila ng relasyon.

“Jom has always had a special place in my heart ever since we were 15,” pahayag ni Viduya sa Pep.

Samantala, nagpost ng mga pahayag ang dating kinakasama ng aktor na nagngangalang Joy Reyes sa Instagram. Una niyang ibinuking noon na may bago nga raw na babae sa buhay ni Yllana na may asawa na at mga anak. Nito na lamang lumitaw ang pangalan ni Viduya.

Paliwanag naman ni Viduya, ang alam niya ay noong 2018 pa umano hiwalay sina Yllana at Reyes.

Imahe mula sa Facebook page ni Priscilla Almeda

Samantala, nilinaw naman ng aktres na bagama’t may mga anak siya ay nananatili siyang single at hindi siya kailanman ikinasal.

Bilang paggalang naman sa dati nitong kinasama ay ayaw nang magkomento ni Viduya ukol dito. Ang katwiran niya ay masaya siya na okay ang kaniyang mga anak na nasa Canada na madalas naman niyang bibisitahin doon.

Paliwanag pa ni Viduya, pareho silang single ni Yllana — pero ngayon ay hindi na dahil kasama na nila ang isa’t isa.

Sa mahigit 20 taon na sila ay magkahiwalay, ngayon ay pinagtagpong muli ang dati nang nag-iibigan.

Source :

Pep, Instagram