Bea Alonzo, naka-date ang napiling contestant sa KapareWHO ng It’s Showtime




Image capture mula sa YouTube channel/It's Showtime
  • Kinilig ang mga tagahanga ni Bea Alonzo sa natuloy na date nito kay “Badgechelor”
  • Nakilala niya ang gwapulis sa KapareWHO segment ng It’s Showtime
  • Sumali si Bea sa naturang segment bilang promotion sa pelikulang Unbreakable noong Nobyembre 2019

Natuloy ang coffee date ng mahusay na aktres na si Bea Alonzo sa kaniyang napiling maging bagong kaibigan sa segment na “KapareWHO” ng noontime show na “It’s Showtime”, batay sa VTR nito.

Ayon sa update ng It’s Showtime noong Disyembre 28, 2019, makikitang masayang nagkuwentuhan sina Bea at “Badgechelor” sa isang coffee shop, at tila komportable na sila sa isa’t isa. Masaya si Bea dahil nakilala niya si Badgechelor at napag–alaman niya kung gaano kalaki ang dedikasyong ibinibigay nito sa kaniyang tungkulin bilang pulis.

Image capture mula sa YouTube channel/It’s Showtime

Aminado naman si Badgechelor na noong una raw ay kinakabahan siya, dahil hindi niya akalaing makakasama niya sa isang date ang isang kagaya ni Bea Alonzo na napapanood lamang niya sa telebisyon at pelikula. Ngunit naging komportable naman daw siya habang sila ay nagkukuwentuhan na.

Hindi naman naiwasan ng mga netizens na makaramdam ng kilig. Bagay raw ang gwapong pulis para sa magandang aktres. Sabi ng isa, “Gwapo siya. Moreno, Pinoy na Pinoy ang dating, ang hot! Mas bagay kayo ni Bea. I think mabait, gwapo, at maginoo kang pulis…”

Bulalas naman ng isang tagahanga, “Ok na ok na siya, Ms. Bea, hindi lahat ng pulis eh matulis. ‘yung iba nga artista pero hindi lang matulis kundi matinik pa. Sana magkaroon sila ng real date, ‘yung walang camera from the press. Tingin ko naman hindi mapagmataas si Miss Bea to continue dating Sir Badgechelor.”

“Ang buhay ay puno ng sorpresa! Kaya ewan natin kung mas lumalim pa ‘yung status nila. Ang mahalaga ay masaya ka at walang inaapakang tao,” komento naman ng isa.

Image capture mula sa YouTube channel/It’s Showtime

Matatandaang ginulat ni Bea ang madlang pipol sa It’s Showtime nang lumahok siya sa naturang segment bilang “Mariel” noong Nobyembre 2019, bilang bahagi na rin ng kanilang promotion para sa pelikulang “Unbreakable” kasama sina Angelica Panganiban at Richard Gutierrez. Sa tatlong kalahok, si Badgechelor ang kaniyang napili.

Panoorin ang panayam kina “Mariel at Badgechelor” via YouTube channel: