Bagyo ka lang, tsismosa kami: Mga babaeng nagtsitsismisan sa gitna ng baha, nagdulot ng kaaliwan




Public Domain Image /Imahe mula sa Facebook page ng Pepe's News
  • Nagbunsod ng katatawanan sa netizens ang isang larawan ng mga tsismosang nagkukuwentuhan habang nakababad sa gitna ng baha
  • Hindi naman natukoy ang identidad ng mga babaeng ito dahil tinakpan ang kanilang mga mukha ng emoticons
  • Nakapupukaw ang caption ng post: “Bagyo ka lang, tsismosa kami”

Sa tuwing umuulan, maraming masarap gawin katulad ng pagkain, panonood ng telebisyon o kahit na anong palabas sa smartphones, o kaya ay matulog. Subalit sa iba, pagkakataon na ito upang makipagtsismisan sa kapitbahay o kaututang–dila: harangan man ng sibat, o malunod man sa baha.

Imahe mula sa Facebook page ng Pepe’s News

Pinagmulan ng katatawanan sa social media ang isang larawan na nagpapakita ng mga babaeng naghuhuntahan habang nasa gitna ng papataas na baha, na masisilayan sa Facebook page na “Pepe’s News”. Hindi naman nakilala kung sino ang mga babaeng ito dahil tinakpan ng emoticons ang kanilang mga mukha.

Nakaaaliw naman ang caption ng larawan sa naturang Facebook post.

“Bagyo ka lang, tsismosa kami.”

Good vibes ang hatid nito sa netizens. Kahit paano, naibsan ang kanilang pag–aalala sa pananalasa ng bagyong Tisoy. Idinaan na lamang sa tawa ang lahat. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Sila ang certified CCTV ng kalikasan! Kailangan daw nilang humugot ng lakas sa baha para makapagkuwentuhan to the max sila hahaha.”

“Walang makakaawat sa mga tsismosa, kahit baha o bagyo pa iyan. Pero grabe ah, kailangan talagang isakripisyo ang kalusugan para lamang makapagkuwentuhan?”

Public Domain Image

“Naku, paano na lamang kapag may ihi ng daga yung baha… hello leptospirosis… hahaha. Anyways, kahit ano pa man, I hope nasa mabuti pa rin silang kalagayan kahit nagtsitsismisan sila sa gitna pa ng baha.”

“Iyan ang mga tunay na lodi… kumbaga sa mga reporter, serbisyong totoo, handang suungin ang panganib para lamang makapaghatid ng balita hahahaha.”

Ang paglusong sa baha kapag umuulan ay maaaring magdulot ng banta sa kalusugan, lalo na sa panahon ngayong laganap ang maruming tubig sa tuwing umuulan dulot na rin ng maruming kapaligiran. Pinapayuhan ang publiko na hangga’t maaari ay huwag sumulong sa baha, o maglinis kaagad ng mga paa, kung hindi naman ito maiiwasan.

Source :

Facebook