Bagong silang na sanggol, natagpuan ng mga siklista sa damuhan sa Laguna




Imahe mula sa Facebook account ni Mommy D
  • Natagpuan ng mga siklista ang isang sanggol na tila iniwan at pinabayaan na ng mga magulang sa Cabuyao, Laguna
  • Nasa damuhan umano ang naturang bagong silang na sanggol na mukha namang malusog at walang iniinda
  • Nasa pangangalaga na ng DSWD ang sanggol

Nakalulungkot na may mga magulang na nagagawang iwan na lamang sa tabi–tabi ang isang sanggol na walang kamalay–malay sa daigdig.

Katulad na lamang ng nangyari sa Baragay Casile sa Cabuyao, Laguna kung saan natagpuan ng grupo ng mga siklita o bikers ang isang cute na sanggol na diumano’y tila sadyang iniwan na at itinuring na parang basura.

Batay sa Facebook post sa page ni ‘Mommy D“, makikitang nilapitan ng mga bikers ang sanggol.

Imahe mula sa Facebook | Mommy D

Nakita umano ang bagong silang na sanggol sa damuhan na nasa bulubundukin. Madalang ang mga dumaraang motorista sa lugar na iyon kaya siguro nagkalakas ng loob umano ang magulang ng sanggol na gawin ang nasabing akto. Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang sanggol.

Panalangin ng mga nakapulot na siklista na pag–ingatan nawa ng Panginoon ang munting anghel na ito.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaskyon mula sa mga netizens. Sabi ng isa, “Kahit pa bunga ng pagkakasala o unwanted pregnancy pa ang baby na iyan eh sobrang mali na gawin iyan sa batang walang kamuwang–muwang… bakit, ano ang kasalanan niyan?! Kaloob ng Diyos na bigyan ng pagkakataon na mabuhay sa mundong ibabaw!”

“Maraming Salamat sa mga taong tumulong sa baby. Sa kabutihang ginawa sa munting anghel, tiyak na may gantimpala ang Diyos sa inyo! Malamang bunga iyan ng pregnancy ng isang menor de edad na itinago ito,” pagpuna naman ng isang netizen.

Imahe mula sa Facebook account ni Mommy D

Isang siklista naman ang nagbigay–pugay sa mga nakapulot sa sanggol.

“Salute sa mga kapwa siklista na tumulong sa munting anghel, patnubayan nawa kayong lagi ng Panginoon sa bawat ride ninyo.”

“Huwag muna nating husgahan ‘yung parents. Baka naman may nangyari sa kanila at naiwan nang hindi sinasadya ang bata. O kaya naman kinuha from them. Parang napapanood natin sa teleserye. We don’t know the whole story yet. Ang mahalaga, ligtas ang bata,” payo naman ng isa.

Pagpupugay sa mga tagapagligtas na siklistang huminto at naglaan ng oras upang mailayo ang kaawa–awang sanggol mula sa panganib!