Wish granted: Gabby Concepcion makakatrabaho na si Marian Rivera




Larawan mula sa Instagram account ni Joy Lumboy Pili
  • Balik-primetime si Marian Rivera sa taong 2020 at makakasama niya si Gabby Concepcion
  • ‘First Yaya’ ang tentative title ng kanilang proyekto ngunit pagkatapos pa raw ng DOTS Philippines ito mapapanood 
  • Wish granted ito para sa aktor na minsan nang nagpahayag na nais niyan gmakatrabaho si Marian

Matapos ang halos tatlong taon, babalik sa paggawa ng primetime series ang tinaguriang Kapuso primetime queen na si Marian Rivera. Sa pagkakataong ito, ang isa sa mga premyadong leading man ng industriya na si Gabby Concepcion ang makakatambal niya.

 Kinumpirma ito ng senior program manager mula sa GMA Network na si Ali Nakom-Dedicatoria sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Bagaman hiwalay na ginawa ang meeting para kina Marian at Gabby, kompirmado namang sila ang magkasama sa 2020 primetime series na may working title na ‘First Yaya.’

Larawan mula sa Instagram account ni Joy Lumboy Pili

Gayunman, hindi pa agad mapapanood sina Marian at Gabby sa pagpasok ng taon. Malamang daw ay sa second o third quarter pa ito ng taon gagawin dahil may usapan daw ang mag-asawang Marian at Dingdong Dantes na hindi sila gagawa ng serye ng sabay.

Ito ay para daw matutukan nila ang kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy. Nakatakdang magbida si Dingdong sa remake ng Korean series na Descendants of the Sun kasama si Jennylyn Mercado. Kaya kailangan daw munang tapusin ni Dingdong ang serye bago makapag-umpisa si Marian.

Ayon di sa ulat ng PEP, naging posible ang pagtatambal nina Gabby at Marian dahil sa pag-aayos ng primetime queen at dating manager nito na si Popoy Caritativo. Matatandaang nitong taon lamang ay nagkaayos ang dalawa matapos umalis ni Marian sa puder ni Popoy. Si Popoy ang manager ni Gabby.

Katuparan naman ng hiling ni Gabby ang makatambal si Marian. Noong pumirma siya ng kontrata sa GMA noong 2017, aniya, isa si Marian sa nais niyang makatambal. Nakapareha na ni Gabby ang queens of Philippine TV awardee ng PMPC sa Kapuso network na sina Carla Abellana, Jennylyn Mercado, at Sunshine Dizon.

Larawan mula sa Instagram account ni Joy Lumboy Pili

Ang huling primetime series naman ni Marian sa GMA ay ang telefantasyang Super Ma’am. Hindi man aktibo sa primetime, may dalawang weekend shows naman siya na Tadhana at ang Sunday PinaSaya na magtatapos na sa Disyembre.

Natuwa naman ang fans ni Marian na matagal na rin siyang hindi napanood sa isang acting project. Lalo raw naging exciting ito dahil bago ang magiging leading man niya.

Source :

PEP, Facebook, GMA