Willie Revillame, ‘nakipag-date’ sa isang studio audience bilang patikim ng segment na ‘Wil You Date Me?’




Larawan mula sa YouTube video ng Wowowin
  • Nakipag-date ang TV host na si Willie Revillame sa isang studio audience
  • Ito ay bilang patikim ng bagong segment ng Wowowin na ‘Wil You Date Me?’
  • Dahil natuwa si Revillame sa makulit na studio audience, nag-uwi ito ng mga papremyo mula sa game show

Pinag-usapan sa social media ang magiging bagong segment ng top rating afternoon game show ni Willie Revillame na ‘Wowowin.’ Hindi kasi ito isang palaro o talent search, kung hindi isang segment na maghahanap ng ka-date para sa host na si Revillame.

At bilang patikim ng segment na ‘Wil You Date Me?’, isang studio audience ang naging buena manong ka-date ng host na nagpasaya sa mga manonood. Sa isang episode ng Wowowin, matapos ianunsiyo ni Revillame ang pa-audition para sa mga posibleng maka-date niya, isang makulit na studio audience ang pumukaw sa atensiyon ni Revillame.

I-click ang larawan upang mapanood ang video

Nilapitan ni Revillame ang audience na si Angel, 21 anyos na mula sa Mandaluyong City. Dahil natuwa ang host sa pagpepresenta ng babae, pinabigyan niya ito ng mikropono sa kanyang staff at dito na nag-umpisa ang kanilang kakaibang ‘date.’

Una niyang pinabigyan si Angel ng mga regalo mula sa kanyang sponsors at ang iconic na Wowowin jacket. Nausisa rin na single si Angel at willing siyang maging unang date ng host sa kanyang bagong segment. Nang tanungin ni Revillame kung saan siya nais maka-date ni Angel, sabi nito ay kahit saan basta kasama ang host.

“Kahit saan basta totoo! Basta yung romantic tapos ikaw ang kasama ko,” sabi ni Angel na kinatuwaan ng audience at ni Revillame dahil sa kanyang husay sa pagpapatawa.

Kinantahan din ni Angel si Willie ng sikat na sikat na parody song ngayon na ‘Manok na Pula.’ Habang kumakanta si Angel, magkahawak kamay pa ang dalawa na animo’y totoong nagde-date talaga. Maya-maya pa ay nagset-up na ang staff nila ng lamesa at upuan kung saan nila ginawa ang kanilang ‘date.’

Larawan mula sa YouTube video ng Wowowin

May inihanda ring pagkain na chips at chocolate na ikinatuwa naman ni Angel. Tubig lang ang inumin ng dalawa ngunit ginawa nila ang isang romantikong paraan para inumin ito. Nag-arms crossed sila habang tino-toast ang baso ng tubig tsaka ininom.

Bandang huli, nag-uwi ng premyong P5,000 si Angel. Tatlong libo lang sana ang ibibigay ni Revillame sa kanya ngunit hiniritan niya ang host at dinagdagan siya ng dalawang libong piso. Ipinauwi na rin ni Revillame ang chips at chocolate na pagkain nila sa kanilang date sa studio ng Wowowin.

Nais mo bang mapanood ang kanilang ‘date’?

Source :

YouTube, Facebook