Watch out GirlTrends: Video ni Heart Evangelista sa dating episode ng ASAP, trending dahil hindi siya makasabay sa mga kasama




Larawan mula sa video ni Melo Prete Parreno
  • Trending sa social media ang video ng dating performance ni Heart Evangelista sa ASAP
  • Hindi kasi siya makasabay sa mga kasamang artista at back up dancers sa isang production number
  • Inihalintulad naman ng uploader ang pagsayaw ni Heart sa girl group na GirlTrends

Isa sa mga pinakasikat na aktres ng kanyang henerasyon si Heart Evangelista. Bago maging prime artist ng GMA Network, nag-umpisa ang karera ni Heart sa showbiz bilang isang Kapamilya teen actress. Nakagawa siya ng iba’t ibang proyekto sa ABS-CBN tulad ng teen oriented show na G-Mik at ang remake ng FPJ classic na Ang Panday.

Napasama rin si Heart sa longest running musical variety show na ASAP. Pitong taon na naging bahagi si Heart ng show kung saan naipamalas niya ang kanyang galing sa pag-awit. Gayunman, mayroong trending Facebook video ngayon kung saan makikita ang batang Heart na tila hindi makasabay sa mga kasamang artista at backup dancers.

I-click ang larawan upang mapanood ang video

In-upload sa Facebook ng netizen na si Melo Prete Parreno ang kuha niyang video habang pinanonood ang isang lumang episode ng ASAP sa free TV channel sa ABS-CBN TV Plus na Jeepney TV. Kasama niya sa isang production number ang isa pang Kapamilya actress na si Desiree del Valle.

Kitang-kita sa video na tila hirap na makasabay si Heart sa dance steps sa nasabing production number. Hindi tuloy maiwasan ng kumukuha ng video na maalala at ikumpara ang pagsayaw ni Heart sa all-girl group ng ABS-CBN din na GirlTrends.

Matatandaang nag-trending din sa social media ang video ng performance ng GirlTrends sa noontime show na It’s Showtime. Hindi rin kasi sila sabay-sabay sa nasabing performance at napauso pa ang GirlTrend’s challenge kung saan kailangang sumayaw nang hindi magkakatugma ang steps.

Gayunman, kahit tila hindi makasabay si Heart sa pagsayaw sa ASAP, marami pa ring netizens ang natuwang makita ang memory lane video ng aktres. Kahit daw hindi mahusay sumayaw si Heart, lutang na lutang pa rin ang ganda nito.

Larawan mula sa video ni Melo Prete Parreno

“Actually, ang cute niya.. Kahit mali steps niya. She’s working hard on it and unbothered siya naka-smile pa din and ineenjoy performance.. Hehehe..” sabi ng isang netizen sa pagsasayaw ni Heart.

May ilan namang ipinagtanggol si Heart  dahil may ilang netizens na bina-bash siya. Ayon sa mga social media users, hindi naman daw kasi dancer si Heart. Sa pag-arte daw nakilala si Heart kaya naman huwag daw umasa ng mahusay na pagsasayaw mula sa kanya.