Underpass sa harap ng Mehan Garden sa Lawton, Maynila, bagong linis at pintura




Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno Domagoso
  • Bagong linis at pintura ang underpass sa harap ng Mehan Garden sa Lawton, Maynila
  • Kaugnay ito ng kampanya ni Mayor Isko Moreno Domagoso na maibalik ang ganda at sigla ng Maynila
  • Umani naman ito ng papuri mula sa netizens

Ibinahagi ni Mayor Isko Moreno ang mga larawan ng malinis at bagong pinturang underpass sa harap ng Mehan Garden sa Lawton, Maynila nitong Martes, Nobyembre 5, 2019 sa kaniyang official Facebook page.

Pinasalamatan ni Yorme sa kaniyang Facebook post ang mga inhinyero na naging katuwang ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagre-renovate ng naturang underpass na noon daw ay tila “pugad” ng masasamang–loob. Matiwasay at payapa na raw ang kalooban ng mga taong dadaan dito.

“Thank you Engineer Andres and city engineering employees and to our City Electrician Engineer Randy Sadac painting of LAWTON UNDERPASS by BOYSEN PAINT sa tapat ng Mehan Garden. #Bagong Maynila”

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno Domagoso

Umani naman ito ng papuri mula sa netizens.

“I hope Manileños will help sustain the efforts and good works of Mayor Moreno!!!! Congratulations for all the admirable transformations you are doing for Manila. Kudos!”

“After so many years, good thing one has a political will to create this change.”

“Good job Mayor Isko… you inspire all politicians on your goals to the community, that people nowadays are sick and tired of those politicians who just make their seat heat-up because they do nothing for the well–being of their constituents… God bless you!”

“It took an Isko Moreno for Manila to have a makeover inside and out. Congrats Manileños for having a true leader. He has already outdone his predecessors in a very short span of time.”

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno Domagoso

“Feeling so relax upon walking this newly renovated hall… Please assign security guards to maintain the beauty and cleanliness…”

“Sana sa ginagawang pagbabago ni Mayor Isko ay gawin naman natin ang ating obligasyon bilang mamamayan ng Maynila, makiisa po tayo na mapanatili ang kagandahang ginagawa sa ating lugar tayo rin po ang makikinabang nito, kaya magkaisa po tayo. Maraming salamat Yorme! Tunay kang tagapaglingkod at hindi puro salita lamang.”

Isa lamang ito sa napakarami nang nagawa ni Yorme Isko sa Maynila bilang alkalde sa maiksing panahon lamang mula nang siya ay mahalal na punong–lungsod ng Maynila. Mabuhay po kayo, Yorme!