Throwback photos ni Mommy Dionisia Pacquiao, pinag-usapan




Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila/Public Domain Image
  • Kinaaliwan ng netizens ang throwback photos ni Mommy Dionisia Pacquiao
  • Siya ang ina ni Pambansang Kamao Senador Manny “Pacman” Pacquiao
  • Bahagi ng kulturang Pilipino ang pagtanaw ng utang na loob sa mga magulang

Pinag–usapan sa social media ang throwback photos ng tinaguriang “Pambansang Pacmom” na si Mommy Dionisia Pacquaio o mas kilala sa tawag na “Mommy D”; ang sikat na ulirang ina ni Pambansang Kamao na si Senador Manny Pacquaio.

Makikita sa Facebook page na “Memories of Old Manila” ang malaking pagkakaiba sa “before and after” ng kaanyuan ni Mommy Dionisia: noong hindi pa sikat at nananalo sa mga international boxing match ang anak na si Manny, hanggang sa makapagtamasa na ito ng tagumpay. Kasabay ng pagsikat at pagyaman ng anak ay ang pagsikat at pagyaman din ng mahal nitong ina, na siyang nag–aruga sa Pambansang Kamao.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa netizens.

“God bless Mommy Dionisia!!! Stay healthy and happy!!! You deserve all of this dahil pinalaki mo nang maayos si Senador Manny Pacquiao. Talagang generous lamang at marunong tumanaw ng utang na loob ang Pambansang Kamao. Ganiyan naman tayong mga Pilipino.”

“You look lovely and amazing… This shows what money can do to us all. Let her enjoy their bounties. She deserved it.”

“We reap what we sow. Iyan si Mommy D. Nakaranas ng ‘di basta–bastang hirap sa pagpapalaki ng mga anak. Ngayon, inaani ang bunga ng kanyang mga sakripisyo.”

“Iyan ang bunga ng sakripisyo at madasaling tao. Ang blessings ni Lord ay bumubuhos. Mommy D, sana huwag magbago pati ugali mo, huwag ka sanang maging madamot sa kapwa para mahalin ka ng taong bayan tulad ng ginagawa ng anak mong senator, continue to share your blessings!”

Nitong Disyembre 1, 2019 ay ipinagdiwang nang simple ang kaniyang ika–68 kaarawan.

Public Domain Image

Nasa kultura nating mga Pilipino na hindi pinababayaan ng mga anak ang kanilang mga magulang sa kanilang pagtanda. Para sa atin, tumatanaw tayo ng utang na loob sa ating mga magulang na nagsakripisyo at nagpalaki sa atin nang maayos. Kung anuman ang kinahinatnan ng ating buhay sa kasalukuyan, naniniwala tayong malaki ang kinalaman ng pagpapalaki sa atin ng mga magulang, na ipamamana naman natin sa ating mga magiging anak.