Throwback photos ng mga beteranang aktres nang hindi pa uso ang “face enhancement” at filters, ibinida




Imahe mula sa Facebook page na Pinoy History
  • Pinag–usapan ng netizens ang mga lumang larawan ng mga beteranang aktres
  • Hindi pa man uso ang face enhancement apps noon, makikita ang tunay nilang kagandahan sa mga larawan
  • Sa ngayon daw kasi ay may mga filter na ang mga larawan sa social media

Simula nang magkaroon ng camera ang mga cellphone dulot na rin ng makabagong teknolohiya, nahirati o nakahiligan na ng maraming Pilipino ang pagkuha ng larawan, lalo na ang selfie o groupie. Kahit saan magpunta, kuha rito at kuha roon ng sariling larawan upang maipakita lamang sa social media ang mga lugar na napuntahan, kinain, ininom, at maging ang “Outfit of the Day” o OOTD.

Public Domain Image

Dahil dito, nauso na rin ang iba pang mga applications na mada–download sa internet na makatutulong para mas mapaganda pa ang mukha, kulay, o pigura sa kuhang larawan. Iyan ang tinatawag na mga “face enhancement apps” o filters. Kapag na–upload na ang mga larawang ginamitan nito, mapapansin na napakakinis o napakaputi ng kanilang mga mukha, na minsan ay kaiba o “malayo na sa katotohanan”.

Kaya naman pinag-usapan ng netizens ang Facebook post sa “Pinoy History” kung saan makikita ang mga lumang larawan ng mga de–kalidad at beteranang aktres ng industriya ng Philippine Showbiz. Ayon sa uploader sa caption, ang kanilang mga larawan ay mga panahong hindi pa uso ang anumang face apps. Likas na kagandahan lamang, ‘ika nga.

“Sa panahong hindi pa uso ang selfie, enhancement, internet at filter, hindi na kailangang i-‘faceapp’ pa ang ganda ng ating mga lola-celebrities noong kanilang panahon. Gandang-natural!”

I-click ang imahe upang makita lahat ng larawan mula sa Facebook page na Pinoy History

Ang mga itinampok na larawan ay mula kina Perla Bautista, Rosa Rosal, Boots Anson–Roa, Caridad Sanchez, Liza Lorena, Gina Pareno, Alicia Alonzo, Pilita Corales, Celia Rodriguez, Rosemarie Gil, Amalia Fuentes, Pilar Pilapil, Anita Linda, Gloria Romero, at Susan Roces. Isinama rin ang larawan ni Madam Auring, ang sikat na celebrity–manghuhula.

Nagbigay naman ng komento rito ang netizens.

“Mas mgaganda pa nga sila kaysa sa mga artista ngayon…walang retoke at may class. Hindi pabebe kundi intelihente.”

“There was no photo shop back then but these pics were definitely enhanced. Just an old photography trick. It’s an old form of airbrushing. Look it up.”

“They were so stunning. Hindi mo aakalaing ganoon ang hitsura nila noon. Beauty fades talaga so look for someone beautiful on the inside.”

“They remain beautiful in my eyes, even in their mature years. As a little girl, we watched them on TV in our version of the soaps and dramas.”

Source :

Facebook