“The Hungry Syrian Wanderer” na tumulong sa mga nasalanta ng lindol sa Cotabato, pamilya ang turing sa mga Pilipino




Imahe mula sa Facebook account ni The Hungry Syrian Wanderer
  • Ikapitong pagdiriwang ng kaarawan na pala ni “The Hungry Syrian Wanderer” na si Basel Manadil sa Pilipinas
  • Ipinahayag niya sa kaniyang social media accounts na malaking pamilya ang turing niya sa mga Pilipino
  • Bumaha naman ng pagbati mula sa mga Pilipinong netizens ang Syrian vlogger

Minsan talaga, kung sino pa ang mga dayuhan, sila pa ang may mas marubdob na pagmamahal para sa ating bayan.

Ipinahayag ng sikat na Syrian vlogger at pilantropo na si Basel Manadil o mas kilala bilang “The Hungry Syrian Wanderer” na itinuturing niyang isang malaking pamilya ang mga Pilipino, sa kaniyang posts sa social media kaugnay ng kaniyang pagdiriwang ng kaarawan.

Kilala si Basel bilang isang Syrian na labis na nagmamahal sa kulturang Pilipino. Naging hit sa YouTube channel ang kaniyang vlogs na nagtatampok sa bansang Pilipinas. Kamakailan lamang ay muli siyang pinag–usapan dahil sa kaniyang pagtulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng pagyanig sa Cotabato City.

Imahe mula sa Instagram account ni The Hungry Syrian Wanderer

Sa kaniyang Facebook at Instagram post, sinabi ni Basel na hindi raw niya namalayang kaarawan na niya. Ito na umano ang ikapitong pagdiriwang ng kaarawan ni Basel sa Pilipinas. Hindi man daw niya naipagdiriwang ang araw ng kapanganakan kapiling ang mga tunay na kadugo at kalahi sa Syria, kasama naman daw niya ang mga Pilipino na itinuturing niyang mas malaking pamilya. Pinasalamatan niya ang ina sa pagkakasilang sa kaniya sa daigdig.

“My birthday is coming na pala hindi ko namamalayan, its on 11.11 Monday. This is my 7th birthday dito sa Pinas. Hayaan ninyo guys magpapasali ako sa mga big online companies. Hahaha kidding, this is not a paid post. Just wanna share that my birthday is coming, sad not to celebrate it with my family for 7 consecutive years but I have a bigger family dito sa Pinas who are all so supportive and loving. To my mama, thank you sa pagluwal ninyo po sa akin. I love you!”

Imahe mula sa Facebook account ni The Hungry Syrian Wanderer

Bumaha naman ng pagbati mula sa netizens ang birthday boy.

“Happy birthday, Basel!!! May God bless you a thousandfold for you are a man of blessings to others… may you be blessed with good health so you can continue to do good for others, may you have warm family ties so you can draw your strength from your family if the going gets tough, may you be blessed with material abundance so you can share your material blessings to the less fortunate and may your stay here in our country be made more meaningful because of the company of good people who warm your heart…”

“Happy Birthday Kuya Basel. Stay kind as always, thank you for your love and generosity to others. You’ve been a blessing to us, here in the Philippines. God Bless us always! We, Filipinos Love you!”

Maligayang kaarawan, Basel! Sana ay maging inspirasyon ka ng mga Pilipino na tulungan at mahalin ang kapwa–Pilipino!