The Hungry Syrian Wanderer na si Basel Manadil, may birthday treat sa isang security guard




Imahe mula sa Facebook page na The Hungry Syrian Wanderer
  • Nagdiwang ng kaarawan ang “The Hungry Syrian Wanderer” na si Basel Manadil
  • Sa halip na ipagdiwang ito nang magarbo ay binigyan niya ng birthday treat ang isang security guard
  • Nalugod naman ang mga Pilipinong netizens sa magandang gawain ni Basel

Imbes na maghanda nang magarbo para sa kaniyang sarili, minabuti ni “The Hungry Syrian Wanderer” na si Basel Manadil na ipagdiwang ang kaniyang kaarawan kapiling ang isang mapalad na security guard na nakikita niyang nagpapakasipag sa kaniyang tungkuling tiyakin ang seguridad sa kaniyang binabantayang sanglaan.

Ayon sa Facebook post ni Basel, ang “Tatay Guard” na ito ay tigib ng kalungkutan sa pagya0 ng kaniyang asawa; pitong araw pa lamang ang nakalilipas. Palagi raw niyang nakikita ito na nagbabantay sa sanglaan ng halos kalahating araw at walang breaktime. Sa kabila ng kaniyang edad ay masipag pa rin. Bilang birthday treat, pinag–shopping niya ito sa isang maliit na boutique.

“Brought Tatay Guard sa isang mall at binawalan kami mag–shopping kasi naka–uniform pa si Tatay kaya sa isang small boutique na lang kami namili. Celebrating my birthday by celebrating other people. This Tatay Guard is now alone in life after his wife passed away just 7 days ago, I always see him near my shop, sa isang pawnshop. 12 hrs shift no breaktime. Very hardworking and medyo may edad na.”

Imahe mula sa Facebook page na The Hungry Syrian Wanderer

Napagpasyahan ni Basel na pasayahin ang security guard at maramdaman nitong hindi siya nag–iisa. Itinuturing niyang regalo ito para sa sarili.

Dagdag pa niya: “I decided to give him a birthday treat from me kahit hindi pa niya birthday just to cheer him up, malungkot kasi mag–isa at least just for today he feels like having someone. Simple birthday gift to myself.”

Bukod sa shopping, pinakain din niya ito sa isang buffet. Ngayon lamang ito nakakain sa isang buffet kaya tuwang–tuwa raw ito dahil sila pa raw ang nagluluto ng kanilang kakainin. Makikita sa mukha ni Tatay Guard ang kasiyahan sa ipinamalas na kabutihan ni Basel. Si Basel pa mismo ang nagluto para sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook page na The Hungry Syrian Wanderer

Umani naman ito ng mabubuti at positibong komento mula sa netizens.

“You are such a selfless and compassionate person, Basel. This post almost brought me to tears… tears of joy! God bless you.”

“You keep on inspiring Filipino people Basel! Always believe in good deeds! God will repay your kindness. Thank you for loving my countrymen!”

“What you did for Tatay Guard is priceless. It’s something he’ll remember for a very long time if not forever! God bless you for your kindness!

Si Basel Manadil ay isang Syrian blogger na kilala sa pagkakaroon ng “pusong Pinoy”. Matatandaang bumili siya ng mga relief goods para sa mga naapektuhan ng pagyanig sa Cotabato City.

Panoorin ang vlog ni Basel Manalid sa kaniyang YouTube channel: