“Thankless job!” Pangulong Duterte, ayaw patakbuhin sa pagkapangulo ang anak na si Sarah Duterte-Carpio




Public Domain Image
  • Ayaw patakbuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak na si Mayor Sara Duterte sa pagkapangulo
  • “Thankless” job daw kasi ito
  • Iba’t ibang reaksyon ang ibinulalas ng netizens hinggil dito

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi umano niya papayagan ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas sa taong 2022.

Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa kaniyang talumpati sa naganap na campaign rally ng Partido Demoktratiko Pilipino-Lakas ng Bayan sa Bacolod City noong Huwebes ng gabi, Nobyembre 14, 2019.

Public Domain Image

Matagal nang sinasabi ni Pangulong Duterte na ayaw niyang patakbuhin, kung sakali man, ang kaniyang anak na babae, upang sundan ang kaniyang yapak. “Wais” daw masyado si Inday.

“Alam mo ‘yung anak ko baka ma ano kayo, I will advise her to lay off. Pero if I know Inday hindi ‘yan tatakbo ng Presidente. Wise masyado ‘yan si Inday,” sambit ng pangulo.

Dagdag pa niya: “Para mahulog ‘yung mga hinog, mga hilaw paiwan. Shaking the tree and getting rid of the dried leaves and everything. Kung ako tatanungin n’yo hindi ako papayag na tatakbo.”

Isang “thankless job” daw kasi ang pagiging pangulo. Labis na nakapapagod, at darating pa raw sa puntong lahat ay ginagawa mo naman subalit hindi nakikita at pinapahalagahan ng iba. Kaliwa’t kanan pa rin ang insulto at paninira kahit hindi naman totoo.

“Alam mo sa totoo lang, I apologize for saying this. Does not pay. Ang pagod mo, and the things that you have done, and the things that you have to endure because you are there. Anong klaseng insulto, anong mga paninira. Alam mo namang hindi totoo.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens. May mga nagsasabing maaaring maging pangulo ng bansa si Sara at may mga nagsasabi namang hindi. May mga nagsasabi pang estilo lamang ito ng pangulo upang makuha ang simpatya ng publiko, at ito na ang humikayat kay Sara na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas.

“Alam ng Tatay na hindi mananalo ang kanyang anak kaya hindi na niya ito hinihikayat. Palpak kasi ang mga pangako.”

“REVERSE PSYCHOLOGY—that was the style also last 2016…”

“Thankless naman talaga kasi mga Pinoy, kahit gaano karami ang nagawa mo, nakukulangan pa rin at hindi marunong makontento.”

“Please run for president Mayor Sara! Ituloy ninyo po ang nasimulan ng ama na maraming pagbabago, kasi kung iba lang uupo na walang malasakit walang mangyayari sa pinaghirapan ni Tatay Digong…”

Public Domain Image

Ano ang opinyon mo tungkol dito?

Source :

Abante