Raffy Tulfo, inaming malaki ang naitutulong ng mga concerned netizens sa kaniyang programa




Imahe mula sa Facebook page ng Raffy Tulfo in Action
  • Solusyon at aksiyon ang naibibigay ng programang Raffy Tulfo in Action sa mga Pilipinong dumudulog sa kanila
  • Ang tagumpay ng programa ay ipinagpapasalamat ni Idol Raffy sa mga concerned citizens
  • Inamin din niya na kung walang mga netizens, wala rin ang kaniyang programa

Hindi biro ang pag-aksiyon ng buong staff ng programang Raffy Tulfo in Action sa paglutas sa mga problemang idinudulog sa kanila ng mga tao. Pinakabago nga rito ang matagumpay na pagbabalik sa limang buwang sanggol na dinukot umano ng isang yaya na nagngangalang Kristine Joy Salik.

Sa programang iniere nitong Miyerkules, Nobyembre 14, labis na pinasalamatan ng mga magulang ng sanggol si Raffy Tulfo dahil malaki ang naitulong nito upang kusang ibalik ng inakusahan ang dinukot niyang sanggol.

Imahe mula sa Facebook page ng Raffy Tulfo in Action

Gayunman, binigyang-diin ni Idol Raffy na hindi siya ang dapat na pasalamatan kung bakit matagumpay na nalulutas ang mga problemang naidudulog sa kanila, partikular na sa kasong ito.

“Kaya naging successful ito at na-achieve namin ang kailangang ma-achieve, first of all, ay ’yung nasa Itaas,” mapagkumbabang pahayag ni Idol Raffy.

Sunod niyang pinasalamatan ang mga concerned netizens na aktibong nakikisangkot sa paglutas sa anumang problema.

“Pero marami ang nagtatanong, ano ang mayroon sa Raffy Tulfo in Action at bakit nagkakaroon ng resulta ang mga problemang inilalapit, especially sa mga ganitong kaso. It is what we call the power of the netizens,” mariing sabi pa ng news anchor.

Ang official YouTube channel ng Raffy Tulfo in Action ay may mahigit 8.45 million nang subscribers. Bukod pa rito ang mahigit sa 7.7 million followers nito sa Facebook.

“Dahil sa mga netizens, narito po kami. Kung wala pong mga netizens, wala rin pong Raffy Tulfo in Action. Promise. Totoo po ’yan. Hindi po ako nagbibiro,” pahayag ni Idol Raffy.

Dahil daw sa mga concerned citizens, maraming pangyayari ang nagiging posible tulad ng kung paano matagumpay na naibalik ang dinukot na sanggol sa kaniyang mga magulang.

Imahe mula sa Facebook page ng Raffy Tulfo in Action

“Ang kinatatakutan niya (dumuk0t sa sanggol), hindi naman ako eh. It’s not me. Takot siya sa mga netizens. So ang mga netizens ang nagturo sa kaniya. Pinaliit ng mga netizens ang mundo niya,” dagdag pa ng mamamahayag na mahigit 20 taon nang nagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Source :

YouTube, DF