Panagdapil: Paraang tradisyonal na paggawa ng asukal




Imahe mula sa Facebook page na Anak Ti Luna
  • Natuwa ang netizens sa mga larawan na nagpapakita ng “dadapilan”
  • Ito ay isang tradisyonal na makinarya na gawa sa molave
  • Panagdapil ang tawag sa tradisyonal na paraan ng paggawa ng asukal

Ang bansang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa kaya’t tunay na maipagmamalaki natin ang kasipagan ng ating mga magsasaka lalo na sa pagtatanim. Kung hindi dahil sa kanila, wala tayong kakainin. At isa sa mga maipagmamalaking produktong itinatanim ng mga magsasaka ang tubo o sugar cane na pinagmumulan ng asukal.

Public Domain Image

Mahalaga ang asukal dahil hindi lamang ito ginagamit sa mga inumin upang makapagbigay ng tamis, kundi sangkap din sa iba’t ibang mga pagkain tulad ng tinapay at marami pang iba.

Sa Ilocandia, isa sa mga ikinabubuhay nila ang pagkatas ng mga tubo upang makagawa ng asukal. Tinatawag ang tradisyonal na paraan na ito bilang “dapil” o “panagdapil”. Isinasagawa naman ito sa isang makalumang makinarya na tinatawag na “dadapilan” na kadalasan ay likha mula sa matibay na kahoy ng punong molave.

Nanariwa sa netizens ang tradisyonal na paraan ng paggawa ng asukal sa pamamagitan ng dadapilan dahil sa mga post na larawan nito sa Facebook page na “ANAK TI LUNA”.

Ayon sa Facebook post, ang dadapilan daw ay tipikal o karaniwan lamang na nakikita sa bawat bakuran ng mga magsasaka. Ang simple machine na ito ay gumagana sa tulong ng nakapiring na kalabaw o baka habang nakatali nang mahigpit sa isang troso na nakakonekta sa dadapilan. Nilalagyan ng piring ang kanilang mga mata upang hindi nila malaman na pinaiikot lamang sila sa paligid ng dadapilan.

Imahe mula sa Facebook page na Anak Ti Luna

Kapag lumakad na ang kalabaw o baka sa palibot ng dadapilan, dito na makakatas ang mga tubo. Ang makukuhang katas, na tinatawag na “bennal”, ay napupunta sa isang sisidlan na tinatawag na “silyasi”. Ang bennal naman ay pakukuluan sa isang malaking tangke na tinatawag na “sinublan” na ginagamit sa paggawa ng basi, isang uri ng inuming nakalalasing sa Ilocos, o kaya naman ay suka. Ang iba naman ay ginagawang asukal na ibinebenta sa mga pamilihan.

Umani naman ito ng reaksyon mula sa netizens.

“Noong 1960’s to 1970’s, mayroon ding dadapilan ang lolo ko na namana ng tatay ko. Sa malaking talyasi, niluluto ang sugarcane juice. While boiling, ilalagay namin sa talyasi ang patupat (variety of kakanin). Napakasarap kapag naluto na.”

“Sweet memories of my childhood. We used to pick up dry leaves (samak tree) for my father to use in fermenting basi. The best part is waiting for the lablab whenever tagapulot is cooked and not basi.”

“This brought tears to my eyes. I remembered those arduous and hardworking day full of fun. We have them too in (Nueva) Vizcaya.”

Imahe mula sa Facebook page na Anak Ti Luna

Ikaw, nakakita ka na ba ng dadapilan?

Source :

Facebook, Saluyot