Pagpupugay kay “Ultraman”, ang tagapagtanggol ng kapayapaan laban sa kasamaan




Public Domain Image
  • Ginunita ng netizens ang Japanese actor na gumanap sa sikat na fictional superhero na “Ultraman” noong 80’s
  • Siya ay si Jin Nakayama na namaalam sa mundong ibabaw sa gulang na 77
  • Marami sa netizens ang nagbigay ng patunay na bahagi ng kanilang childhood memories ang naturang Japanese superhero

Kung ikaw ay certified batang 80’s, tiyak na naabutan mo ang superhero na si “Ultraman” na talaga namang naging sikat noong panahong iyon.

Kaugnay nito, ikinalungkot ng netizens ang balitang pagyao ng Japanese actor na nagsabuhay sa karakter ni Ultraman na si “Jin Nakayama” noong Oktubre 12, 2019 sa gulang na 77 dahil sa karamdaman sa baga. Kinumpirma ito ng kaniyang mga kaanak at kaibigan. Makikita ito sa Facebook page na “Memories of Old Manila”.

Gumanap siya bilang Captain Kazuki Oyama, ang pinuno ng UGM (Utility Government Members) mula sa “Ultraman 80 TV series” na nagiging si Ultraman. Marami sa mga tagahanga ng palabas na ito ang nagbigay ng komento hinggil kay Ultraman.

Public Domain Image

“Ultraman is my favorite show way back in 90’s. I really admired this superhero. Sana magkaroon ulit ng mga ganito, just like Maskrider Black and Shider.

“Rest in peace sir… one of my favorite TV shows during my younger years… Thanks for the childhood memories Ultraman!”

“Kinamulatan ko na mga Japanese na palabas dito sa Pinas… 80′ at 90’s pa ang panahon. Nakakamiss ang mga ganiyang uri ng palabas. Sana may ganiyang mga superhero ngayon sa totoong buhay para mabawasan na ang mga masasamang elemento sa mundo.”

Ang Ultraman ay isang fictional superhero na ipinalabas ng Ultra series sa bansang Japan noong mga bandang 60’s at tumagal hanggang 90’s, na napanood sa iba’t ibang mga bansa kabilang na ang Pilipinas. Ang kaniyang signature attack ay tinatawag na “Specium Ray”. Bukod dito, nagiging higante rin si Ultraman na nagiging dahilan upang mapuksa ang kaniyang kalaban, na nagiging higante rin.

Sayonara, Ultraman, ang tagapagtanggol ng kabutihan at kapayapaan laban sa kasamaan!

Public Domain Image