Paghingi ni VP Robredo ng karagdagang pondo para sa bagong trabaho, barado kay Senador Tito Sotto




Public Domain Image
  • Karagdagang pondo ang hiling ni VP Leni para maisakatuparan ang kaniyang mga plano
  • Barado ito kay Senate President Tito Sotto III
  • Nagbigay ng reaksyon dito ang netizens

Humingi ng karagdagang pondo si Vice President Leni Robredo upang maisakatuparan niya ang bagong talagang trabaho sa kaniya na sugpuin ang malala pa ring pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa pamamagitang ng mas mapayapang pamamaraan.

Public Domain Image

Ayon kay Robredo, sa kaniyang opinyon ay kulang ang inilaang 15 milyong pondo ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) para sa kaniyang bagong trabaho dahil kalakip nito ang malaking responsibilidad.

Ibig sana ni Robredo na gamitin ang pondo para sa rehabilitasyon ng mga taong sangkot sa ilegal na droga, at sa palagay niya ay gugugol ito ng malaking pondo. Balak niya umanong magpatayo ng isang malaking rehabilitation center sa bawat lalawigan. Gayundin, humirit din si VP Leni ng dagdag na pondo para sa Philippine Anti-Illegal Drug Strategy o PADS.

Umalma naman dito si Senate President Tito Sotto III at sinabing wala sa posisyon ang ICAD upang humingi ng karagdagang pondo; bagkus, maaari itong gumawa ng mga polisiya.

Public Domain Image

Iba–iba naman ang naging reaksyon dito ng netizens.

“Ang dami namang demand. Programa muna bago budget.”

“Tama naman eh. May point. Kailangan talaga ng pondo para masimulan ang isang programa. Pakiramdam ko talagang sinasadya na liitan ang pondo para sa kaniya eh.

“Well VP Leni alam kong malinis at may puso ka, pero wala siyang magagawa, kailangan niyang magbayad ng utang na loob sa mga tao sa paligid niya, at iyon ang mga taong nagluklok sa kaniya sa pwesto: ang taumbayan. Go VP Leni!”

“You are not starting yet pero you are already complaining, spend what you have now and request if it is really necessary madam.”

Samantala, nangako naman si Senador Panfilo Lacson na tutulong siya upang magkaroon ng dagdag na pondo ang ICAD sa gagawing delibersyon sa senado.