Nakatikim ka na ba ng “sangkaka”?




Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila
  • Natakam ang netizens sa mga larawan ng isang minatamis na pagkaing Pinoy na inilalagay sa magkasaklob na bao ng niyog
  • Tinatawag itong “sangkaka” sa lalawigan ng Bicol at “panutsa” naman sa Ilocos at maging sa mga Tagalog
  • Umani naman ito ng reaksyon mula sa netizens lalo na ang mga nakaranas na makakain na nito

Mahilig sa mga pagkaing gawa sa niyog ang mga Pilipino. Magmula sa mga kakanin, inumin, ulam, at maging sa mga palaman, patok na patok ito sa panlasang Pinoy at maaaring maipagmalaki sa mga turistang dayuhan. Isa na riyan ang paggawa ng minatamis na inilalagay sa bao na tinatawag na”sangkaka” sa Bicol o “panutsa” sa iba pang lalawigan.

Nagdulot ng kuryosidad sa netizens ang mga ibinahaging larawan ng Facebook user na si “Florence Satuito sa Facebook page na “Memories of Old Manila” kung saan makikita ang paggawa ng matamis na bao o tinatawag ngang sangkaka sa mga Bicolano.

Ayon sa kaniyang Facebook post, tinatanong niya ang iba pang netizens kung ano ang tawag dito sa kanilang lalawigan.

“SANGKAKA ang tawag sa BICOL nito, sa inyo po ano?”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nagbigay naman ng reaksyon hinggil dito ang netizens.

“I miss you SANGKAKA! Ikaw ay masarap na papakin at i–ulam sa kanin. Bonus na baon sa school na inipit sa pandesal. Tsarap!”

“Panotsa ang tawag namin diyan sa Ilocos. Masarap papakin at ipalaman sa tinapay. Kumbaga sa Ingles, coco jam ang tawag sa ganiyan.”

“Naku, napakasarap niyan at medyo matagal nga lang ang paggawa sa ganiyan. Kailangan nang mahaba–mahabang pasensya.”

“The Filipino treat called panocha (panotsa, panutsa) is traditionally made by crystallizing brown sugar with limewater, then pouring the mixture into a coconut shell until it hardens. That is why the shape of panotsa is like that of a bowl.”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Hinay–hinay lamang sa pagkain ng sangkaka o panutsa dahil lahat ng labis ay nakasasama.

Source :

Facebook