Nag-iisang Miss World ng Pilipinas na si Megan Young, paborito ang kwek-kwek at kikiam




Larawan mula sa Instagram account ni Megan Young
  • Sinabi ni Miss World 2013 Megan Young na mahilig siya sa street food
  • Ang pinakapaborito niya raw ay ang kwek-kwek at kikiam
  • Marami namang celebrities ang napakomento at natakam sa food trip ni Megan

Kinilala ang ganda at talino sa buong mundo ng StarStruck alumna at Kapuso actress na si Megan Young. Dahil sa pagiging elegante at matalino ni Megan, itinanghal siya bilang Miss World 2013; ang tanging Miss World crown na nakuha ng Pilipinas sa ilang dekadang pagsali sa beauty pageant.

Ngunit ang glamorosang aktres at beauty queen, mayroong rebelasyon sa kanyang latest Instagram post. Ibinahagi ni Megan na mahilig siya sa street food. At ang pinakapaborito raw niya sa lahat ay ang kwek-kwek at kikiam.

Larawan mula sa Instagram account ni Megan Young

Ayon sa post ni Megan, sa tuwing makakakita raw siya ng nagtitinda ng kwek-kwek o tokneneng sa daan, hindi raw pupuwede na hindi siya bibili ng kanyang paboritong street food. Sa katunayan, ginagawa niya raw almusal ang mga ito katulad ng eksena sa kanyang post.

“My all-time favorite street food has to be tokneneng. Everytime I see a street vendor I have to stop by to get that tokneneng + kikiam fix. I was so surprised that manong was selling fried squid as well! A first for me but definitely a yummy impromptu breakfast yesterday,” caption ni Megan sa kanyang post.

Ikinuwento rin niya na ang kanyang nobyo at kapuwa Kapuso artist na si Mikael Daez ay hilig din ang nasabing street food. Mayroon pa raw kakaibang tawag ang aktor sa kwek-kwek dahil sa kakaibang kulay at hugis nito.

“I know people call tokneneng something else – kwek kwek. But Mikael Daez used to call them… FIREBALLS. Make tusok tusok the fireballs,” dagdag ni Megan sa kanyang post na umabot na sa halos 70,000 ang nakuhang likes.

Larawan mula sa Instagram account ni Megan Young

Dahil sa post ni Megan, maraming kapuwa celebrity at beauty queen ang natakam din sa mga street food tulad ng kwek-kwek, kikiam, at pritong kalamares. Lumalabas na bukod sa Miss World 2013 ay marami pang artista at personalidad ang mayroong paborito sa sikat na Pinoy street food.

Ilan sa napakomento ay ang bagong Darna at Kapamilya rising star na si Jane De Leon. Nagkomento rin ang Kapuso sweetheart na si Kate Valdez at ang “The Gift” star at Miss Eco International 2018 na si Thia Tomalia.