Miles Ocampo, masaya sa kaniyang kauna-unahang lead role sa pelikula




Public Domain Image
  • Sa kauna–unahang pagkakataon ay lead star na si Miles Ocampo
  • Ito ay sa pelikula niyang “Write About Love” katambal si Rocco Nacino
  • Ipalalabas ito sa mga sinehan sa darating na pagdiriwang ng Pasko ngayong 2019

Masaya ang dating “Goin’ Bulilit” child star na si Miles Ocampo na makalipas ang 15 taon sa industriya ng showbiz, nabigyan na rin siya ng pagkakataong maging lead star sa isang pelikula; pag–amin niya sa panayam ng press sa kaniya noong Nobyembre 11, 2019.

Public Domain Image

Nasanay si Miles na ang kaniyang mga karakter ay supporting roles kaya hindi mahaba ang mga oras na inilalagi niya sa shooting o taping. Subalit sa paggawa niya ng pelikulang “Write About Love” katambal sa kauna–unahang pagkakataon ang Kapuso actor na si Rocco Nacino, naranasan umano niyang halos sa pagsisimula hanggang sa pagtatapos ng shooting ay naroon siya.

“Hindi po ako sanay. Sabi ko nga po kay Direk, ‘Direk, ganito pala ‘yun. Kasi sanay po ako pag nagshu-shoot ‘di ba po may iba pang nakukunan. Ito mula po opening to closing ng araw, ako ‘yung kasama,” paliwanag ni Miles.

Inamin din ni Miles na sa tagal na niya sa showbiz ay dumating din sa punto na natanong niya ang sarili kung bakit matagal ang pagdating ng big break para sa kaniya.

“Noong mga bata-bata pa po ako, dumating po ako sa point na nagtatanong ako: ‘Bakit ang tagal? Bakit wala pa?’ Pero kahit papaano habang tumatagal tayo sa industriya, na-realize ko na hindi ko pala ini-aim ‘yung maging super galing. Para sa akin, kung sino ‘yung nagtatagal, kung sino ‘yung nag-stay, masaya na po ako sa ganun,” ani Miles.

Dagdag pa niya, kung mahal mo talaga ang ginagawa mo, kahit na nahihirapan ka, huwag na huwag susuko sapagkat ikaw rin ang talo sa huli. Pinagsabay niya kasi ang pag-aaral at pag-aartista noong siya ay nasa hayskul pa. Napagtagumpayan naman niya ang dalawang ito kahit na medyo hirap siya.

Sa kasalukuyan ay nag–aaral ng “Creative Writing” si Miles sa UP Diliman; bagay na malapit na malapit sa role niya sa pelikula bilang isang manunulat. Makakasama pa niya sa pelikula sina Yeng Constantino at Joem Bascon. Ipalalabas ang “Write About Love” sa mga sinehan sa darating na araw ng Kapaskuhan.

Goodluck to your first lead role movie, Miles!

Public Domain Image
Source :

Push