Mamang Sorbetero, namigay ng libreng ice cream sa mga batang nasalanta ng lindol sa Cotabato




Imahe mula sa Facebook account ni Vonbrayan Edo
  • Namigay ng libreng ice cream ang isang sorbetero sa mga batang nabiktima ng pagyanig sa Makilala, Cotabato City
  • Ibinahagi ito ng isang Facebook user na nakakita sa kaniyang akto ng kabutihan
  • Pinuri naman ito ng netizens

Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa panahon ng pangangailangan, ay walang pinipiling kasarian, kalagayan, o estado sa buhay. Lahat ay maaaring tumulong sa panahon ng kalamidad, mula sa pinakamagarbo o pinakasimpleng paraan.

Katulad na lamang ng isang mamang sorbetero na namahagi ng libreng ice cream sa mga batang nasalanta ng pagyanig sa Makilala, Cotabato City, na mula pa sa kaniyang paninda. Ayon sa uploader ng mga kuhang larawan na si “Vonbryan Edo”, ibinigay nang libre ng sorbetero ang mga ice cream kahit na ilang mga bata pa ang pumila sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Vonbrayan Edo

Ayon sa Facebook post ng uploader: “Kudos to this kuya. Iyang gyud gi libre iyang ice cream para sa mga bata. May God blessed you and your family. Salamat kaayo!” Bakas sa mukha ng sorbetero ang kasiyahan sa kaniyang ginagawa.

Kinalugdan naman ng netizens ang ginawa ng mamang sorbetero. Kahit na ito ang kaniyang ikinabubuhay ay nagawa niyang isakripisyo ang isang araw na kita para masilayan man lamang ang mga ngiti sa labi ng mga batang naging biktima ng pagyanig. Kung sino pa raw ang wala, sila pa ang nagbibigay.

“Salamat mamang sorbetero, napasaya mo ang mga batang nasalanta ng lind0l, si Lord na po ang bahalang gumanti sa ‘yong ginawang kabutihan, ibabalik po iyan ng Diyos sa iyo ng biyayang siksik, liglig at umaapaw.”

“Thank you so much for your act of kindness. God will return you a hundred folds Manong.”

“Yehey! Galing. In a worst scenario like this, it is overwhelming that there are many inspiring stories happened. Naiiyak ako sa kabutihan ng loob niya na kahit mahirap, ninais niyang makatulong sa kapwa. Maraming salamat sa iyo kabayan. Sumaiyo nawa ang higit na pagpapala ng Diyos.”

Imahe mula sa Facebook account ni Vonbrayan Edo

“We are so touched of your kindness and generosity! This is a wake up call to us in time of calamity in line with words of St. Mother Teresa, ‘we are not poor so as not to give nor rich so as not to receive’…”

Hindi naman nakuha ang pangalan ng naturang mamang sorbetero. Subalit kung sino ka man, isang pagpupugay po sa inyo! Pagpalain po kayo ng Maykapal!

Source :

Facebook, News 5