Maghipag na Solenn Heussaff, Anne Curtis masayang ipinakita ang kanilang baby bumps sa isang IG photo




Mga imahe ,mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff
  • Masayang ibinahagi ni Solenn Heussaff ang larawan nila ng hipag na si Anne Curtis na ipinapakita ang kanilang baby bumps
  • Kasabay ito ng opisyal na pag-aanunsiyo ni Anne sa kaniyang Instagram na siya ay buntis
  • Marami ang natuwa sa larawang iyon na pinusuan ng netizens

Halos magkasabay na nag-post sa kani-kanilang Instagram accounts ang maghipag na sina Solenn Heussaff at Anne Curtis ukol sa pagbubuntis ng “It’s Showtime” host.

May nakatutuwang post si Solenn na halatang-halata kung gaano ka-excited ang maghipag na parehong  magiging soon-to-be-mothers.

Imahe ,mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

“4 humans in a photo. Happy to grow with you,” ayon sa Instagram post ng GMA artist.

Marami ang natuwa at nag-heart reaction sa larawan ng dalawang celebrities. Kabilang sa mga celebrities na nagkomento sa larawan ay sina Angel Locsin na nagkomento ng “Cuties!” sa larawan.

Si Solenn ay nasa third trimester na ng kaniyang pagbubuntis at inaasahang lalabas ang kaniyang baby sa Enero.

Samantala, si Anne Curtis ay inanunsiyo ang kaniyang pagbubuntis sa kaniyang mga fans sa pamamagitan ng isang video na ipinaskil nito sa kaniyang Instagram account.

“I think you should know something… Another reason to love November,” ayon sa Instagram post ni Anne. Ang post namang ito ni Anne ay agad na nag-viral. Binati rin siya ng kaniyang mga kapuwa artista at mga kaibigan sa industiya.

Samantala, matatandaan na noong Setyembre 30 ay naglabas ng pansariling pananaw si Anne kaugnay sa pressure sa mga kababaihan hinggil sa pagkakaroon ng anak. Ipinahayag niya ito sa isang segment ng It’s Showtime.

“I think I should take this opportunity that the press should stop asking that to any woman, because you don’t know what they’re going through,” ayon sa TV host.

Imahe ,mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Sinabi niyang ready na siya sa pagkakaroon ng anak ngunit nagsasalita umano siya para sa ibang kababaihan na may iba’t ibang pinagdadaanan.

Tiyak na aabangan ng ‘madling pipol’ ang dalawang future celebrity babies nina Anne at Solenn.