Kyle Jennermann, pinatunayang likas na masayahin ang mga Pilipino sa kabila ng mga problema




Imahe mula sa Facebook page na Becoming Filipino
  • Likas daw talagang masayahin ang mga Pilipino sa kabila ng mga suliranin at pagsubok na kanilang kinahaharap, ayon kay Kyle “Kulas” Jennermann
  • Siya ay isang Canadian vlogger na may “pusong Pilipino” 
  • Napatunayan rin niyang gustong–gusto ng mga Pilipino ang “camera”

Pinatunayan ng Canadian vlogger na si Kyle “Kulas” Jennermann na ang mga Pilipino ay likas na masayahin sa kabila ng sunod–sunod na nakagigimbal na karanasan at mga kinakaharap na suliranin.

Sa kaniyang mahabang Facebook post sa kaniyang page na “Becoming Filipino”, na tila kausap ang mga vloggers sa Pilipinas, sinabi niyang sa tagal ng kanyang pananatili sa Pilipinas ay napatunayan niyang gustong–gusto ng mga Pilipino ang pagkuha at makuhanan ng larawan sa camera. Kapag itinutok daw sa mukha ng sinumang Pinoy ang camera, awtomatikong sisilay ang kanilang mga ngiti sa mukha at nagdadala ng positibong awra.

“Dear “Vloggers” in the Philippines, Over the years, I have realized just how much Filipinos “love the camera”. In fact, I bet you have noticed this too. Especially recently, vlogging became a very “sikat thing” here. I think it is wonderful how Filipinos tend to not “shy away” from the camera. Personally, I think it shows a deep level of positive belief. A lot of people might get offended or upset by having a camera pointed at them!”

Dagdag pa niya: “But here in the Philippines… The majority of people tend to gravitate towards it, and appreciate the moments of interaction and fun! Which I think is just a sign of having innate positivity! Not about yourself… but about others. It is like saying: ‘We believe in the good! Go ahead, film me, take a picture with me… I believe in you! That you will do something positive with it!'”

Imahe mula sa Facebook page na Becoming Filipino

Napagtanto raw niya na walang pagyanig na makapagpapalungkot at makapagpapagupo nang tuluyan sa mga Pilipino, matapos niyang masilayan ang mga biktima nito sa Mindanao, partikular sa Cotabato City. Nakatanggap nga raw siya ng isang text message na naglalaman ng pasasalamat mula sa isang napangiti niya sa kaniyang pagdalaw sa evacuation camp. 

“Thank you so much Kulas… you took our minds away from all the trauma and difficulty for a while. Thank you so much for coming and vlogging with us.”

Kaya naman, hinihikayat niya ang ibang vloggers na magtungo sa Mindanao upang maitampok ang mga taong ito, at makapagdulot ng kasiyahan sa kanila upang kahit paano ay makalimutan nila ang kanilang mga suliranin at pinagdaraanan sa buhay.

Mabuhay ka, Kyle “Kulas” Jennermann! Hindi ka man lahing Pilipino, higit pa riyan ang ipinapakita mo.

Imahe mula sa Facebook page na Becoming Filipino
Source :

Facebook