Kyle Jennermann, itinampok ang isang Pinoy na gumawa ng miniature ng Eiffel Tower gamit ang kawayan




Imahe mula sa Facebook page ni Kyle Jennermann/Public Domain Image
  • Napabilib ang netizens sa miniature Eiffel Tower na likha ng isang Pinoy craftsman sa pamamagitan ng kawayan
  • Bukod dito, nakagagawa rin siya ng cellphone case na kaniyang ipinagbebenta
  • Ipinagmalaki siya ng sikat na Canadian vlogger na may “pusong Pinoy” na si Kyle Jennermann

Itinampok ng sikat na Canadian vlogger at kilalang dayuhang may “pusong Pilipino” na si Kyle “Kulas” Jennermann ang isang Pilipinong nakagawa ng cellphone case at miniature ng tanyag na “Eiffel Tower” ng Paris, France sa pamamagitan lamang ng mga kawayan, sa Maragondon, Cavite.

Ayon sa Facebook post ni Kulas, ang naturang Pinoy craftsman na si Jaypee Igos, 34 taong gulang mula sa Maragondon, Cavite, ay nakabibilib sapagkat bukod sa cellphone case, nakalikha rin ito ng maliit na Eiffel Tower gamit ang katawan ng kawayan sa loob lamang ng isang buwan.

“Kuya Jaypee Igos, 34 years old from Maragondon #Cavite… I thought it was pretty cool he made cellphone cases out of bamboo… Then he took out the Eiffel Tower! Unbelievable! This is actually for sale. One month of artistic work by hand with bamboo. What a guy!!”

Imahe mula sa Facebook page ni Kyle Jennermann

Umani naman ito ng pagkamangha mula sa netizens. Makikita kasi sa larawan na masinsin ang bawat detalye ng naturang miniature Eiffel Tower. Talaga namang kahanga–hanga!

“Wow, look how detailed he made it. Pretty awesome and creative! Is there a way to acquire one of those cellphone cases?”

“Great artist! Talented people like him should receive support from the government. That great piece of art can command a good price and should be for best bid out there…”

“Congratulations! You are one of a kind, perseverance is one of your traits aside from being artistic! Do more with love!”

“Ang galing ni Kabayan… great talent you have there. More power and money sana for you.”

“Maganda siguro may varnish para gumanda at tumibay. Congrats, gawin mo ang Malacañang Palace at Manila City Hall, that is a priceless creativity. MABUHAY ANG PILIPINAS!”

Public Domain Image

Mabuhay ka, Jaypee Igos! Nawa ay magkaroon ka pa ng oportunidad upang maipamalas ang iyong nakamamanghang talento, langkapan pa ng ibayong sipag at tiyaga!

Source :

Facebook, Rappler