K drama-inspired pictorial sa Mt. Pulag, kinagiliwan ng netizens




Imahe mula sa Facebook ni LJ Pusong Gala | Kuha ni Franco Gaza Retuerma II
  • Kinagiliwan sa social media ang mga larawan ng isang binata sa Mt. Pulag
  • Dalang-dala nito ang kaniyang Korean drama-inspired na pictorial habang nasa tuktok ng pinakamataas na bundok sa Luzon
  • Marami rin ang nabighani sa ganda ng sea of clouds na makikita sa Mt. Pulag summit na talaga namang dinarayo ng mga namumundok

Kinabiliban sa social media ang mga larawan ng isang mamumundok habang siya ay nasa tuktok ng pinakamataas na tanawin sa Luzon.

Imahe mula sa Facebook ni LJ Pusong Gala | Kuha ni Franco Gaza Retuerma II

Sa post ng netizen na may Facebook username na LJ Pusong Gala noong November 24, makikita ang kabigha-bighani niyang mga larawan na tila ibinase sa mga sikat na period Korean drama.

Nagawa nitong magpalit ng damit upang makapagpictorial sa napakalamig at maulap na summit ng bundok. Kapansin-pansin ang disenyo ng kaniyang damit na tulad sa mga isinusuot ng hari sa South Korea.

“As the highest mountain in Luzon, Mount Pulag attracts a lot of mountain climbers,” ani LJ sa kaniyang post.

“The highlights of the climb include the montane forests and the grassland summit with its ‘sea of clouds’ phenomenon,” dagdag nito.

Maging si LJ mismo ay nag-oorganize ng mga travel events para sa ibang tao. Sa ibinahagi niyang mga larawan, hindi maitatanggi ang kamangha-manghang tanawin na mayroon sa Mt. Pulag, lalong-lalo na ang ipinagmamalaki nitong sea of clouds.

“Whichever trail you choose, all of them will be pretty rigorous. But being able to see the thick sea of clouds makes it all worth it,” ayon pa sa post ng binata sa Facebook page na kasalukuyan namang may issues kaya lumipat muna siya sa panibagong account.

I-click ang imahe para makita ang mga larawan
Source :

Facebook