Ina Feleo, ginunita ang amang si Johnny Delgado




Imahe mula sa Instagram account ni Ina Feleo
  • Sinariwa ni Ina Feleo ang mga alaala ng kaniyang amang si Johnny Delgado
  • Isang dekada na ang nakalilipas mula nang ito ay mamaalam sa mundo
  • Si Johnny Delgado ay nakilala sa mga gag shows, teleserye, at pelikula

Ginunita ng aktres na si Ina Feleo ang mga alaala ng kaniyang ama na si Johnny Delgado na isang mahusay at premyadong aktor, at asawa ng mahusay ding aktor at direktor na si Laurice Guillen.

Batay sa Instagram post ni Ina noong Nobyembre 19, 2019, sinariwa niya ang mga panahong kasama pa nila ang kaniyang Daddy, na lalong nangibabaw dahil sa pagkanta niya ng “Over the Rainbow” na una niyang kinanta ika–60 kaarawan ng kaniyang ina. Insecure daw siya dahil bagama’t mahusay din siyang umawit, ay hindi naman niya katulad ang kaniyang kapatid na babae na isang opera singer.

Imahe mula sa Instagram account ni Ina Feleo

Pinadalhan daw siya noon ng kaniyang ama ng isang text message at nagsabing “Puso puso lang iyan” o nangangahulugang lagyan ng kahulugan at isapuso ang pag–awit. Makikita rin sa mukha nito ang pagmamalaki para sa kaniya.

“Mom had a new karaoke installed awhile ago, and I was singing by myself for a good two hours. Then I came across ‘Over The Rainbow’ which was the first song I sang in public for Mom’s 60th birthday party. I remember being totally insecure, because even though I CAN carry a tune, I’m no opera singer like my sister. Dad texted me, ‘Puso puso lang yan’ and to sing from my heart and that I did. He had that big smile on his face and looked proud of me.”

At noong Nobyembre 19 nga ay ang ikasampung taong nasa kabilang buhay na ang kaniyang pinakamamahal na ama. Wala raw makapapantay o makapapalit sa kaniya at mananatili siya sa puso ni Ina sa habang panahon.

“Today marks the 10th year of him leaving this world, and I miss him. No one can ever replace him and the values he imparted to me will always always stay in my heart. Nagpagawa ako ng special chicken salad na pwedeng ipalaman sa pandesal in your memory!”

Imahe mula sa Instagram account ni Ina Feleo

Si Johnny Delgado o Juan Marasigan Feleo sa tunay nitong pangalan ay sumikat sa  TV gag show na “Goin’ Bananas”.  Naging markado ang kaniyang pagganap sa mga pelikulang  “Kakabakaba Ka Ba?” at “Tanging Yaman” na nagpanalo sa kaniya ng Best Actor sa FAMAS at Metro Manila Film Festival o MMFF noong 2000.