Higit 22K trabaho sa Pinas at abroad, alok sa DOLE anniversary job fair




Imahe mula sa Facebook page ng Department of Labor and Employment
  • Mahigit 22,000 na hanapbuhay ang maaaring apply-an sa DOLE anniversary job fair
  • Ayon sa DOLE, gaganapin ang job fair sa iba’t ibang parte ng bansa simula ngayong November 28 hanggang December 16
  • Kabilang sa inanunsiyo ng ahensiya ang mga posisyon na maaaring apply-an dito mismo sa Pilipinas at maging sa ibang bansa

Nasa kabuuang 184 employers ang malugod na nakilahok sa job fair na inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa pagdiriwang ng kanilang 86th founding anniversary.

Imahe mula sa Facebook page ng Department of Labor and Employment

Inanunsiyo ng ahensiya na nasa 22,280 lokal at abroad na hanapbuhay ang naghihintay para sa mga naghahanap ng trabaho ang maaring apply-an simula sa November 28 hanggang December 16.

Ayon sa DOLE, kabilang sa mga lokal na posisyon na hinahanapan ng manggagawa ay para sa production operator, customer service representative, technical support representative, counter support services, sewer, warehouse custodian, loan officers, retail service assistant, at receiving admin specialist.

May trabaho rin na naghihintay para sa mga job seekers na nais mag-apply abroad. Kabilang sa mga position na maaaring apply-an ay para sa production workers, nurses, laboratory technicians, respiratory technicians, at iba pa.

Narito ang listahan ng araw kung kailan nakatakdang ganapin ang job fair ng DOLE at maging ang lugar kung saan ito ilulunsad:

November 28: Cuneta Astrodome, Pasay City (NCR)
December 4: Ayala Malls, Legazpi City, Albay (Region 5)
December 5: Bacnotan, La Union (Region 1) and Robinson’s Galleria South, San Pedro City, Laguna (Region 4A)

Imahe mula sa PixabayDecember 9: Robinson’s Place, San Nicolas, Ilocos Norte (Region 1)
December 11: Don Leopoldo Sison Convention Center, Alaminos City, Pangasinan (Region 1)
December 16: Dagupan City Astrodome, Dagupan City, Pangasinan (Region 1)

Pinaalalahanan naman ni Labor & Employment Secretary Silvestre Bello III ang mga jobseekers na maghanda ng kanilang requirements upang mas mapabilis ang proseso ng kanilang aplikasyon.

Source :

PNA, PIA, Inquirer