Grade school pupil, namahagi ng pagkain sa Cotabato




Imahe mula sa Facebook page ng Philippine Star/Public Domain Image
  • Pinuri ng netizens ang isang grade school pupil sa Cotabato
  • Namimigay kasi siya ng pagkain sa mga taong naging biktima ng pagyanig
  • Nakilala ang bata sa pangalang “Jerboy”

Habang bata pa lamang ang isang tao, mahalagang maitimo na sa kaniyang puso, isip, at diwa ang iba’t ibang mabubuting asal at gawi na dadalhin niya sa kaniyang paglaki, tulad ng pagiging mapagmalasakit at matulungin sa kapwa, lalo na sa panahon ng pangangailangan.

Tulad na lamang ng isang grade school pupil na isang Ilonggo na naispatang namamahagi ng pagkain sa mga biktima ng pagyanig sa Makilala, Cotabato City na nakilala sa pangalang “Jerboy”.

Imahe mula sa Facebook page ng Philippine Star

Ayon sa Facebook page ng “Philippine Star”, ibinahagi ito ng isang netizen na nagngangalang John Uson. Outreach activity umano ito ng isang business community sa Santo Niño town sa Timog Cotabato.

Pinuri naman ng netizens si Jerboy dahil sa malasakit at pagtulong sa kapwa na kaniyang ipinakita sa kabila ng murang edad. Ang sabi ng isang netizen: “Keep up the good work, kiddo. GOD WILL BLESS YOU MORE AND MORE!”

“Sana tularan ang mga katulad mong bata, ng mga nakatatanda na wala na ngang naitutulong, puro dakdak at panlalait lamang ang ginagawa. God bless you boy! Lalaki kang matulungin at mapagmalasakit sa iyong kapwa!”

“Continue doing good deeds at pagpapalain ka ni Lord. Maganda ang pagpapalaki sa iyo ng mga parents mo. Nasa mga magulang talaga ang susi kung ano ang magiging values ng kaniyang mga anak. You can not give what you do not have.”

“Sana naman mahiya ang mga matatanda na walang inatupag kundi ang magpasarap sa buhay at hindi man lamang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan. Daig pa kayo ng bata eh.”

Public Domain Image

Isa itong patunay na ang pagtulong sa kapwa ay walang tinitingnang edad, kasarian, o kalagayan sa buhay. Kung nais mo talagang magbigay ng tulong sa iyong kapwa, hindi ka mapipigilan ng kahit na sinuman. Good job, Jerboy!