No Filter: Catriona Gray nag–post ng selfie na walang makeup




Imahe mula sa Instagram account ni Catriona Gray
  • Hinangaan ng netizens ang “bare face” ni Miss Universe 2018 Catriona Gray
  • Ito ay matapos niyang i–post sa Instagram ang kaniyang selfie na walang kolorete o makeup
  • Ginawa niya ito bilang pagtalima sa #AsShels Challenge

Sabi nga, ang tunay na kagandahang–pisikal ng isang tao ay makikita kapag inalis na ang mga kolorete na nagkukubli sa kaniyang tunay at likas na hitsura.

Pinag–usapan at hinangaan ng netizens ang selfie ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na nagpapakita ng kaniyang mukha na walang bahid ng kahit na anumang kolorete o make–up.

Ayon sa kaniyang Instagram post, bilang isang babae ay gusto niya ang akto ng pagme–makeup at pagiging glamorosa, subalit habang siya ay lumalaki ay tinanggap din niya ang katotohanang may mga bakas din siya ng taghiyawat at nunal sa kaniyang mukha.

Dagdag pa niya, may mga araw na mababa ang kaniyang tiwala sa sarili at lumalabas ang mga insecurities, subalit ayos lamang daw ito. Ang pagmamahal sa sarili ay isang paglalakbay, subalit makabuluhan.

Imahe mula sa Instagram account ni Catriona Gray

“This is the skin I wake up in every day. I love playing with makeup and being glam, but I’ve also grown to love the skin I wake up in acne scars, moles and all. I too have days where I don’t feel confident, or my insecurities are louder… but that’s okay. Loving yourself as you are is a journey, but it’s a journey worth–taking.”

Umani naman ito ng paghanga at positibong komento mula sa netizens.

“Spoken like a real queen!! That’s why you deserve your crown! You are such an amazing and down-to-earth person and always remember that! Nobody can put you down but yourself—so don’t let the negativity matter. We need some reassurance every now and then as humans. Thanks for reminding me too!”

“You are so beautiful without make up my queen. Still looks awesome even without that! Simply gorgeous!”

“To look in the beauty of it with a silver lining daw. I admire her because she can be herself and no traces of pressure during her reign. Some might feel a little bit uneasy not to commit even a single error in public, but in her case, I can see that she’s enjoying it and doing it well. Happy for you Cath. God bless.”

Imahe mula sa Instagram account ni Catriona Gray

Ang ginawang ito ni Catriona ay bahagi ng #AsShels Challenge. Hinamon din niyang gumawa nito ang mga kaibigang beauty queens na sina Nicole Cordoves at Sandra Leomonon.