Bea Alonzo, itinanghal bilang isa sa top stars sa Asia ng US publication na Variety




Larawan mula sa Instagram account ni Bea Alonzo
  • Kasama si Bea Alonzo sa Asia Star: Up Next Awardee ng US publication na Variety
  • Masaya naman si Bea sa mga biyayang natatanggap nito sa kanyang career
  • Nakatakdang dumalo si Bea sa awarding sa Disyembre sa Macau

Matapos ang kabiguan sa kanyang nakaraang relasyon, tila nagsunod-sunod naman ang mga biyaya ngayon para sa ABS-CBN actress na si Bea Alonzo. Ibinahagi ng aktres ang bangong karangalang natamo dahil isa siya sa mga tinaguriang Asian top stars.

Napasama si Bea sa mga kinilala ng US publication na Variety katuwang ang International Film Festival and Awards – Macao (IFFAM) bilang isa sa mga Asian Star: Up Next Awardee. Pumili ang nasabing publication ng walong artista mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya na kayang umukit ng pangalan sa international scene.

Larawan mula sa Instagram account ni Bea Alonzo

Ayon sa inilabas na artikulo ng Variety, layunin ng Asian Stars: Up Next awards na kilalanin ang mga artista, kilala man o hindi sa kani-kanilang bansa, na mayroon pang ibubuga upang mas maging tanyag sa buong mundo.

“(We) recognize and promote Asian on-screen talent – not necessarily young, but youngish – who we believe have the skills to become something much bigger in the entertainment industry,” ayon sa article.

Tuwang-tuwa naman si Bea sa recognition na nakuha mula sa sikat na online publication. Ayon sa kanya, masaya raw siya sa dumarating na biyaya sa kanya. Excited na raw siyang ibandera ang Pilipinas sa gagawing awards night sa Macau sa darating na Disyembre.

“What a great feeling to be recognized along with the other stars from different Asian countries for their body of work. Thank you @variety for the feature. I am beyond excited to be able to represent the Philippines in Macau this coming December,” pahayag ni Bea.

Larawan mula sa Instagram account ni Bea Alonzo

Napasama si Bea sa listahan dahil sa kanyang mga blockbuster movies kabilang ang ‘One More Chance’ at ‘A Second Chance’ at pati ang kanyang mga top rating TV shows tulad ng ‘ASAP’ at mga teleseryeng ‘Magkaribal’ at ‘Betty La Fea.’

Nakatanggap naman ng pagbati si Bea mula sa mga kasama sa industriya katulad nina Anne Curtis, Jasmine Curtis, at ang kasama sa kanyang bagong pelikula na si Angelica Panganiban. Ayon sa Star Cinema, kumita ang ‘Unbreakable’ ng halos 10 milyong piso sa unang araw nito sa mga sinehan.