Batang nanghihingi ng limos, binilhan ng sariling pagkain ng dalawang pulis kaysa ibigay ang mga tira nila




Larawan mula sa Facebook post ni Joice Hernandez Uy
  • Hinahangaan ngayon ang dalawang pulis Caloocan dahil sa pagtulong sa isang namamalimos
  • Nanghihingi raw ito ng tirang pagkain pero binilhan ng dalawang pulis ng sariling pagkain ang bata
  • Sinabihan pa raw ito na kapag gutom pa ay dumaan lamang sa kanilang prisinto

Kamakailan, umantig sa damdamin ng maraming netizen ang dalawang pulis na nagbigay ng pagkain sa sa dalawang batang lansangan. Marami ang humanga sa kabutihan ng dalawang officers at pinatunayang ang paglilingkod sa kapuwa ay nagagawa sa iba’t ibang paraan tulad ng pagbibigay ng pagkain.

Ngayon naman, dalawang pulis muli ang hinahangaan ng mga social media users dahil sa pagmamalasakit sa isa na namang namamalimos. Isang batang lalaki raw ang lumapit sa dalawang pulis upang manghingi ng tira nilang pagkain. Pero imbes na ang tira nila, mas minabuti ng dalawang police officers na bilhan ito ng sarili niyang makakain.

Larawan mula sa Facebook post ni Joice Hernandez Uy

Ayon sa post ni Joice Hernandez Uy, isang madaling araw daw ng makita niyang kumakain ang dalawang pulis sa isang tapsilugan. Nilapitan daw sila ng isang batang pulubi at binilhan daw ng dalawang officers ng pagkain ang kaawa-awang bata. Pinapili raw ito ng gusto niya sa mga tinda sa menu ng tindahan sa may Caloocan.

“Shoutout sa dalawang pulis caloocan. Kaya pala ko dnala ng tapsilugan ng maaga. Para makita na may mabait pang pulis. Maliit na bagay. Pero good job.. My batang nang hingi ng tira nila. Pinakain panila. Inorderan ng gusto,” salaysay ni Uy sa kanyang post.

Nang papaalis na raw ang dalawang pulis, sinabihan pa nito ang bata na kung nagugutom ito ay pumunta lamang siya sa prisinto at doon ay bibigyan pa nila ng pagkain ang batang lansangan. Masaya naman ang bata mula sa isang masarap na agahang alay sa kanya ng mga mabubuting officers.

“’Pag nagugutom ka punta ka sa prisinto ha.’ Galing. Sana all. Maliit na bagay at halaga pero nakakatuwa pag masdan. Wlang maayos na pic. Nahiya ako. Kaya simple lang,” dagdag pa ni Uy.

Larawan mula sa Facebook post ni Joice Hernandez Uy

Trending na ngayon sa Facebook ang post na ito at mayroon nang 20,000 reactions at 19,000 shares. Sinaluduhan nila ang kabutihan at pagmamalasakit ng dalawang opisyal. Ayon sa kanila, ang mga ganitong uri daw ng lingkod-bayan ang nagdadala sa magandang pangalan ng Kapulisan.

“Saludo ako sa inyong dalawa, sir. Patunay na ito na marami pa ring mababait na pulis ngayon. Lalo na ang mga pulis Caloocan na dati ay madalas masangkot sa anomalya,” pahayag ng isang netizen na nag-share ng post.

Source :

Facebook, DF News