Astig na mister na inutusang bumili ng napkin ni “kumander” kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook post ni E–v Delmundo/Public Domain Image
  • Kinaaliwan ang larawan ng isang astig na mister na maraming tattoo sa katawan
  • Inutusan umano siya ng kaniyang misis na bumili ng “napkin”
  • Umani naman ito ng reaksyon mula sa netizens

Sa Pilipinas at iba pang mga bansang may “patriyarkal” na pagtingin sa lipunan, nakasanayan na natin na ang padre de pamilya o ang mga ama ang siyang lider ng sambahayan. Bilang tagapagtaguyod ng pamilya, siya ang sinusunod ng kaniyang asawa at mga anak. Pinagsisilbihan at tila isang batas ang mga salitang kaniyang binibitiwan.

Sa paglipas ng panahon, tila hindi na naaangkop sa lahat ng pagkakataon ang pagtanaw na ito. May mga misis na rin na kayang makipagsabayan sa kanilang mga mister; kaya nga nauso ang mga salitang “under de saya” at “takosa” na nangangahulugang “takot sa asawa”; nagsisilbing biro sa mga mister na “nanginginig ang tuhod” kapag nagalit na si “kumander”.

Public Domain Image

Kaya naman, kinaaliwan ng netizens ang larawang ibinahagi ng isang Facebook user na nagngangalang “E–v Delmundo” matapos niyang ibahagi sa kaniyang Facebook post ang larawan ng isang astig na mister na maraming tattoo sa katawan. Sa kaniyang mga kamay na nakakubli sa kaniyang likuran, hawak niya ang isang brand ng napkin o pasador para umano sa kaniyang misis na inutusan siyang bumili nito.

“Yung pa’astig astig kang tignan, tapos uutusan ka lang ng asawa mo na bumili ng napkin niya…,” saad sa caption nito.

Naaliw naman ang netizens at nag–iwan ng komento hinggil dito. Karaniwan na kasi nating naririnig noon pa man sa mga kalalakihan na “kalalaki kong tao, ako pagbibilhin mo ng napkin?”

“IYAN ANG TUNAY NA TIGASIN: TIGA SAING, TIGA LABA, AT TIGA BILI NG NAPKIN! Hahahaha. Ang astig pa naman ng mister. Tatuan pa.”

“That’s awesome. Astig! The coolest part to did that! Well, wala akong nakikitang masama sa ginawa ng mister. Asawa naman niya iyan in the first place.”

“I don’t think masama o pangit tingnan na bumibili ang isang lalaki ng ‘girl thing’ sa tindahan lalo pa’t kung mahal o mahalaga sa kaniya ang babaeng gagamit niyon. Sweet kaya!”

Imahe mula sa Facebook post ni E–v Delmundo

Iyan ang tunay na “astig!”