Age doesn’t matter: 67 anyos na babae at boyfriend niyang 33 anyos, nagpakilig sa ‘Eat Bulaga’




Larawan mula sa Eat Bulaga
  • Kinakiligan ang kuwento ng pagmamahalan ng isang 67 anyos na babae at 33 anyos na lalaki sa isang segment ng Eat Bulaga
  • Nagkakilala raw ang dalawa sa isang mini-concert nang magpa-load ang babae sa lalaki
  • Pitong taon na ring kasal ang dalawa at nananatiling matibay sa kabila ng kanilang 34 na taong agwat

Trending ngayon sa social media ang bagong segment ng noontime show na ‘Eat Bulaga’ na Bawal Judgmental. Sa isang tanong kasi, kailangang hulaan ng beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez kung sino sa pitong ginang ang mayroong nobyong mas bata sa kanila ng 14 taon o higit pa.

Isa sa mga napili niya ay ang 67 anyos na si Lorna mula sa Sta. Mesa, Manila. Nang oras na para ilahad ni Lorna kung may mas bata nga ba siyang karelasyon, nagulat ang lahat nang ibulgar niyang mayroon siyang boyfriend na mas bata sa kanya ng 34 taon.

I-click ang larawan upang mapanood ang video

Gulat at kinilig ang maraming audience kasama ang mga host ng noontime show kabilang sina Vic Sotto, Joey de Leon, Maine Mendoza, Allan K, Pauleen Luna, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros. Ngunit lalong lumakas ang tilian nang umakyat sa entablado ang nobyo ni Lorna na si Danny, 33 anyos, at hinalikan siya.

Ayon sa dalawa, pitong taon na raw ang kanilang pagsasama na nag-umpisa dahil lamang sa cellphone load. Nasa isang mini-concert daw sila noon at naghanap si Lorna kung saan maaaring magpa-load. Tamang-tama naman daw na naroon si Danny at nakapagpa-load si Lorna ng P30. Simula daw noon ay naging magkaibigan sila, naging mag-bestfriend, hanggang sa tuluyan nang nagkapalagayan ng loob.

Sa pag-usisa pa ng mga host, nalaman nilang 18 anyos lamang si Danny nang makilala siya ng noon ay 52 anyos na si Lorna. Dahil dito, madalas na biruin ni Ballesteros si Lorna na napakahaba ng kanyang buhok dahil mayroong Danny na nagmamahal sa kanya.

Nang matanong ni de Leon kung ano ang sekreto ng dalawa sa kanilang matatag na relasyon sa kabila ng malaking agwat ng kanilang mga edad, sinabi ni Danny na basta raw may takot sa Diyos ay magiging matagumpay ang pagsasama.

Larawan mula sa Eat Bulaga

“Siyempre po ang pinaka-importante iyong bawat isa sa inyo ay may takot sa Diyos,” pahayag ni Danny na pinalakpakan naman ng mga manonood.

Kinantahan pa ni Danny ang kanyang nobya ng classic love song na Kahit Maputi na ang Buhok Ko na lalong nagpakilig sa mga audience.

Nais n’yo ba silang mapanood?

Source :

YouTube, Facebook