Sikat na mall sa Pampanga, pinasok ng ulan at binaha




Public Domain Image
  • Pinasok ng ulan ang loob ng isang sikat na mall sa Pampanga
  • Nakuhanan ito ng video ng isang concerned netizen, bukod sa iba pang naroroon
  • Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens

Ikinagulat ng mga mall goers ang biglaang pagbuhos ng ulan sa kisame ng isang sikat na mall sa Pampanga na lumagos sa isang sikat na restaurant na naging sanhi ng pagbaha at pinagmulan ng kaunting pangamba sa mga customers nito.

Ayon sa ulat ng ABS–CBN News, ibinahagi ng isang Bayan Patroller na kinilalang si John Ashley Lising ang pagtagas ng ulan sa loob ng SM Pampanga na tumagos naman sa Max’s Restaurant. Kitang–kita sa video ang pagkadulas ng ilang mga customers at paglalakad nila sa baha

Image capture mula sa YouTube channel

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens.

“Will the mall management pay Max’s for their ruined business for the day? I mean, the restaurant pays a lot to the mall for that space & yet this happens, their income will definitely decrease…”

“Dapat nagpatugtog ang SM Pampanga ng ‘My Heart Will Go On’ na theme song ng Titanic para kumpleto ang experience ng mga customers..”

“Nag–close ba kaagad ang buong mall? Dapat nag–close agad at i–off muna electricity kasi for sure hindi lang ceiling ng Max’s ang na–damage niyan, baka yung iba hindi lang bumigay pera basa lahat sa itaas.”

“Kapag ganyan, priority i–shutdown ang mga equipment at mga linya ng kuryente lalo na sa part na iyan. Paaano kapag nagkaroon ng current flow sa tubig kawawa naman mga tao ninyo. Dapat at least may training kayo sa safety precautions hindi yung puro kita ang inuuna ninyo.”

Samantala, hindi pa naman naglalabas ng opisyal na pahayag ang naturang mall.

Panoorin ang video mula sa Facebook account ni John Ashley Lising at ABS–CBN News:

I–click ang imahe upang mapanood ang buong video ni John Ashley Lising