Ryan Bang, iiwan na nga ba ang “It’s Showtime”?




Public Domain Image
  • Posible umanong iwan ni Ryan Bang ang pagiging host ng It’s Showtime
  • Babalik raw siya sa South Korea para sa isang malaking break sa Korean showbiz industry
  • Isiniwalat ito ni Karylle matapos ang kanilang mahusay na performance sa Magpasikat 2019

Matapos ang pagpapakitang–gilas sa “Magpasikat 2019” kaugnay ng pagdiriwang ng ikasampung anibersaryo ng noontime show na “It’s Showtime”, ibinunyag ng singer–host na si Karylle na posibleng iwan ni Ryan Bang ang kanilang show upang sunggaban ang isang malaking oportunidad sa bansang pinagmulan nito.

Ayon sa emosyonal na si Karylle, darating umano ang sandaling muling babalik sa South Korea si Ryan upang gawin ang isang malaking proyekto at subukin ang kaniyang career sa kaniyang bansang tinubuan.

“Kasi alam ko’ng one day, iiwan niya tayo. Magiging superstar siya sa Korea! And I see it so much Ryan. Thank you for spending so much time in It’s Showtime. Pero one day you’ll have to fly pero huwag mo kaming kakalimutan,” sabi ni Karylle kay Ryan.

Sinuklian naman ito ng pahayag ng pasasalamat ni Ryan: “Ate K alam mo sobra kita mahal. Sobrang I love you. Thank you so much Ate Karylle!”

Public Domain Image

Labis na hinangaan at pinuri ng mga hosts maging ng netizens ang naging performance nina Karylle at Ryan sa kanilang unang pagtatambal bilang team. Inakala ng marami na sila ang tatanghaling grand winner ng Magpasikat 2019 subalit nasungkit ito ng Team Vice Ganda kasama ng Miss Q and A queens.

Ang tinutukoy na “big break” para kay Ryan ay ang pagkuha sa kaniya na mapasama sa isang comedy show sa South Korea kung saan siya nagmula.

Umani naman ito ng reaksyon mula sa netizens na tagahanga at tagasubaybay ng Koreano.

“Hinting this so early is saddening… I’ve loved Ryan so much through the years… he has learned so much, experienced a lot through this show and its sad if he has to leave as well..but we’ll see.”

“Best of luck Ryan! You deserve it and we’re very happy for you and for Karylle. Nakakatouch and nakakaproud ka for giving that unforgettable moment for Ryan. You will be blessed for having such a genuine heart.”

Public Domain Image

“Bali-balita kasi na may project siya sa Korea at baka ilang taon siyang mawawala. Ryan Bang is one of the cutest and charming hosts ng It’s Showtime.”

Nagsimulang mapansin si Ryan ng publiko sa reality show na Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010 kung saan nagwagi siya bilang runner up.